Nakakamanghang mga talampas sa buong mundo, tuklasin at humanga!



“Cliff paths” ito ang mga talampas na madalas na dinaraanan ng mga tao at turista na kadalasang matarik at pinalilibutan ng mga halaman. Ang paglalakad sa mga ito ay talaga namang nakakamangha dahil sa makakakita ka ng malalawak at natural na mga tanawin. Ito marahil ang ilan sa mga dahilan kung kaya dinarayo ng maraming mga turista ang ganitong uri ng lugar. Ito ang ilan sa mga “cliff paths” na talaga namang kamamanghaan at nanaisin mo ring mapuntahan at masaksihan ng sarili mong mga mata.

Ating isa-isahin:



HUANGSHAN PATHS, CHINA


Ang Huangshan ay bulundukin sa Timog Anhui sa probinsiya ng Silangang Tsina. Kilalang kilala ang lugar na ito sa napakagandang tanawin, sa paglubog ng araw, kakaibang granite peak, Huangshan Pine trees, at ang magandang tanawin ng mga ulam mula sa itaas.



Isa rin ito sa mga pangunahing paksa ng tradisyunal ma Chinese painting at literature, maging ng makabagong potograpiya. Kilala rin ito bilang isa sa mga UNESCO World Heritage Sites at isa rin sa mga pangunahing atraksyon at destinasyon ng mga turista.


Mayroon din namang mga lugar dito kung saan maaaring tumigil ang mga turista kung sakaling abutan sila ng ulan o kung gusto nilang mamahinga.

CAPRI ISLAND PATH, ITALY




Sa Italyanong isla na ito ng Capri magtatagpuan ang isa sa pinakamagandang tanawin sa buong mundo. Ang pa-zigzag na daan na ito ay kilala rin bilang Via Krupp, 1902 ng ito ay nalikha at 30 itong isinara noon upang maisaayos at mapaganda.

Ang daan na ito ay tila ba isang ahas sa kanyang itsura at kulay na talaga namang nakakapagpamangha ng marami pang mga lokal na mamamayan at mga turista. Ang nagkonsepto nito ay si Friedrich Krupp, isang German industrialist para sa mas madaling pagtungo sa ibabang bahagi nito.

WALKWAYS OF THE TIANMEN MOUNTAIN, CHINA




Ang bundok Tianmen ay matatagpuan sa Tianmen Mountain National Park Zhangjiajie sa hilagang kanluran ng Hunan province sa Tsina. Mayroon din cablecar dito na itinayo ng isang French company na Poma mula sa Zhangjiajie railway station sa taas ng bundok.


Ang pagkakaiba nito sa iba pang talampas ay itinayo ito sa isa pang talampas. Maaari din namang maglakad ang mga turista sa babasaging sahig o glass floors na naitayo noong 2011. Dahil sa mayroon itong taas na 4,700 feet above sea level, isa ito sa pinakamataas na observation platforms sa buong mundo. Sa paglalakad dito ay talaga namang nangangailangan ng matinding lakas ng loob at matinding pagnanais ng pakikipagsapalaran. Bawat turista din ay nangangailang magsuot ng anti-slip shoe covers upang maiwasan ang alikabok sa mga “acrylic glass planks”.

PATH TO GAZTELUGATXE, SPAIN


Ang nakakamanghang daan na ito ay matatagpuan sa isla ng Gaztelugatxe sa Espanya. Ito ay isang maliit na isla sa baybayin ng Biscay na kabilang sa munisipalidad ng Bermeo sa Basque country sa Espanya. Mayroon din itong tulay na gawa ng tao na nagdudugtong dito sa iba pang lupain.

Pinakamainam na bumisita sa lugar na ito tuwing tagsibol at taglagas dahil sadyang masikip dito kapag tag-araw.

SKELLIG MICHAEL PATH, IRELAND


Ang Skellig Michael ay isang isla sa Atlantic Ocean. Ang monasteryo dito pati na rin ang isla ay pinangalagaan ng UNESCO World Heritage Site noong pang 1996 dahil sa ito ay sinasabing mula pa noong ika-anim hanggang ika-walong siglo. Sinasabi namang ika-12 siglo na ng ito ay naabandona.


Magandang tanawin at halaman ang naghihintay sa mga turistang nagnanais makarating dito. Mayroon itong 600 na mga hagdan na sinasabing nasa mahigit 1000 taon na ang tanda.

DONKEY PATH IN SANTORINI, GREECE


Taong 1715 nang magtayo ang mga unang nanirahan dito ng daan patungo sa itaas. Mga asno o donkeys ang gamit nila noon sa pag-akyat ng mga bagahe at mga pasahero patungo at pabalik sa mga barko at bayan.


1930 naman nang mas maiayos ang nasabing daanan upang mas marami pang mga asno, pasahero at karga ang maiakyat sa taas. Noong 1979 naman nang magkaroon dito ng cablecar ngunit pagsakay pa rin sa mga asno ang pinakamasayang atraksyon dito.

CLIFF PATH AT BLUE MOUNTAINS, AUSTRALIA


Blue mountains ay ang bulunduking rehiyon sa New South Wales sa Australia.

Mararanasan mo ang birds-eye view sa daanang ito, mayroon din itong handrails, ladders, at nakakamanghang tanawin. Makikita rin dito ang pamoson Wenthworth Falls.




error: Content is protected !!