Isang binata ang nakapag-ipon ng 16 libong piso nang itinabi niya ang pera na dapat sana ay pang-date nilang magkasintahan matapos ng kanilang paghihiwalay!



Sabi nga ng mga matatanda, magastos ang pagkakaroon ng kasintahan lalo na kung may mga okasyon o kaya naman ay simpleng mga lakad lang. Tiyak na mapapagastos ka talaga! Lalo na kung ikaw ang lalaki, bagamat paminsan-minsan ay maaari ding gumastos ang babae, mas katanggap-tanggap sa ating lipunan ang paggastos ng lalaki sa kanyang nobya kaysa ang paggasta ng babae para sa nobyo nito. Marahil ito ang dahilan kung kaya nakapag-ipon ang binatang ito ng 16,000 piso nang sila ay maghiwalay ng kanyang kasintahan.



Ibinahagi ng isang binata na nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo ang kanyang naging karanasan sa pag-iipon sa social media. Ika-30 ng Agosto ng maghiwalay ang binata na ito at ang kanyang nobya. Unang araw ng Setyembre ng napagdesisyunan niyang ipunin ang mga pera na dapat sana ay panggastos nila sa mga “date” nila ng nobya. At matapos nga ng apat na buwan ng kanyang pag-iipon ay nagulat siya ng malaman na ang kanyang pera ay umabot na ng 16,000 piso!


Ang binata na ito ay hindi na nagpakilala pa ngunit marami ang humanga sa kanyang ginawa dahil sa kabila ng kanyang pagiging “broken-hearted” ay mas minabuti niyang ipunin ang kanyang pera kaysa ituon sa iba pang mga bagay o bisyo.



Ibinahagi din naman niya ang ilan sa mga tips ng kanyang pag-iipon, ayon sa kanya ay nagpapautang siya ng 25-kilong sako ng bigas kung saan siya ay kumikita ng 150 piso sa loob ng isang buwan. Mas maraming umuutang sa kanya ay mas malaki ang kanyang nagiging kita. Bukod dito ay nagbebenta din siya ng gasul sa labas ng kanilang tahanan na mayroon namang 10 pisong patong sa kanyang kapital. Kaya naman ang kadalasang 24 na litro niya kada linggo ay kumikita ng 240 piso. Minsan naman ay umaabot ng 1,000 ang kanyang kita dito sa loob ng isang buwan. Kung noon, lahat ng kita niya sa kanyang mga “sidelines” ay napupunta sa gastos nilang magnobya, at ngayon na siya ay single na mas minabuti niyang ipunin na lamang ang mga ito. Laking tuwa niya na ang apat na buwan sana nilang gastos para sa date nila ay umabot ng P16,400!




error: Content is protected !!