Categories: Viral

Isang Delivery Man ang nakuhanan ng litrato habang nagtatrabaho buhat ang kanyang anak

Sa hirap ng buhay ngayon, hindi pa rin tayo sumusuko sa mga hamon na dumarating sa ating buhay. Para makakain ang buong pamilya, kailangan nating kumayod at magtrabaho. Para makapag-aral ang mga anak, kailangan ding kumayod at magtrabaho. Kasabay ng kahirapan ng ekonomiya ng ilang bansa ay ang kahirapan din sa paghanap ng maayos na trabaho. Kadalasan ay hindi nasasapat ang kinikita ng ilan upang matustusan ang pangaraw-araw na buhay. Pero hindi dapat ito ang maging dahilan upang tayo ay tumigil lampasan ang mga dagok ng buhay.


May mga kwento ng buhay patungkol sa mga nagagawang sakripisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang ilan dito ay mga solo-parent na magisang itinataguyod ang pamilya. Lahat ay kayang gawin ng isang magulang para sa kanyang anak. Katulad na lang ng isang ama na nakuhanan ng litrato ng mga napadaang tao. Isang lalaki ang nakita na naglalabas ng mga delivery na kahon gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman ay gamit pambuhat sa kanyang munting anak.


Maraming naging reaksyon ang nga nakakita nito. Karaniwan sa mga reaksyon ay pagka-bilib sa ama na kayang pagsabayin ang trabaho at pagaalaga. Pero ang ilan naman ay nagaalala sa kaligtasan ng bata. Sinasabi din nila na sana ay mayroon siyang baby carrier para hindi siya mahirapang magbuhat at magamit ang dalawang kamay. Sa kabilang banda, mas marami pa rin ang pumuri sa ipinakita ng ama na ito. Kung ano man ang dahilan ng pangyayaring ito, nagpapamalas pa rin ito ng pagiging isang ulirang ama sa kanyang anak. Sana lang ay maging maayos na ang sitwasyon niya para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng kanyang anak.

Marahil nagtataka ang ilan kung bakit sinasama pa ang anak niya sa trabaho. Maaaring walang mapagiwanan ang bata kaya naman nagawa ito ng ama. O kaya naman walang kakayahan ang ama na ilagak sa daycare ang kanyang anak. Pero kung iisipin, hindi biro ang ginagawang trabaho ng lalaking ito. Ito ay isang halimbawa ng pagpapamalas ng kasipagan sa trabaho.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago