Isang magandang pulis mula sa Dagupan kialalanin!



Salamat sa social media dahil mas madali nang makipag-ugnayan ngayon sa mga taong malayo sa atin. Isa rin ito sa mga dahilan kung kaya nagkikita-kita o nagkakausap ang dating mga magkakakilala o magkakaibigan. At ito rin ang nagiging daan upang makilala ang isang talento o kaya maman ay katangi-tanging ganda ng mga kababaihan at kakisigan ng mga kalalakihan.


Isa na rito marahil si PO1 Jeanne Cayabyab na talaga namang dinudumog ng maraming mga netizens hindi lamang dahil sa siya ay isang babaeng pulis kundi dahil sa angkin niyang kasexyhan at magandang mukha.




Kung aakalain mong mga lalaki na nakauniporme lamang ang kaakit-akit sa paningin, pinatunayan naman ni Jeanne na kaya rin ito ng mga kababaihan. Mapapansin sa social media account ng dalaga ang hilig nito sa pagkuha ng kaniyang mga larawan lalo na kapag araw ng kaniyang pahinga at wala siyang trabaho.


Aakalain niyo bang isa rin pala siya sa listahan ng limang mga pinakamagagandang pulis sa buong bansa kasama sina PO2 Ney-Ney Macaranas, PO1 Marriel Tajonera, PO1 Jane Kalakayan, at si PS1 Sofia Loren Deliu.



Hindi lamang ganda at tapang mayroon ang pulis na ito mula sa Dagupan dahil siya ay may talento rin sa pag-awit. Sa katunayan ay lumahok rin siya sa Singing Police Grand Finals na ginanap sa SM Rosales, Pangasinan.


Talaga nga namang hindi maipagkakaila na isa siya sa pinapangarap ng mga kalalakihan sa ating panahon ngayon. Maganda, matapang, may talento, at higit sa lahat ay may kredibilidad bilang isang pulis! Tunay ngang siya ay isang huwaran lalo na sa maraming kabataang Pilipino ngayon.





error: Content is protected !!