Isang ordinaryong babae ang talaga namang kinainggitan ng marami dahil sa napakagwapo nitong nobyo!



Kung marami sa atin ang unang napupukaw sa panlabas na kaanyuan ng mga tao o kaya naman ay sa kakaibang personalidad nila mayroon din namang naaakit sa pagiging kakaiba at kahanga-hanga ng mga ito. Maaaring hindi sila kasing-ganda o kasing-puti ng mga taong hinahangaan natin ngunit hindi rin naman imposibleng mapukaw ang ating interes ng mga taong kakaiba sa mga tao na madalas nating nakakasama.


Ngunit ano nga ba ang “true love” o tunay na pag-ibig? Mayroon ba itong pinipiling anyo, kulay ng balat, edad, kasarian o kaya ay distansya? Hindi ba pwedeng basta nagmamahalan ang dalawang tao ay sapat na? Ang kwento ng magkasintahang ito ay talaga namang naging usap-usapan sa social media.



Dahil sa kapansin-pansin ang ordinaryong babae na ito na mayroong napakagwapong nobyo. Unang nagkakilala ang magkasintahan na ito na hindi pinangalanan sa isang mobile application na kung tawagin ay “Tiktok”. Ang aplikasyon na ito ay nagtatampok ng iba’t-ibang uri ng tao na gumagawa ng mga video at ibinabahagi ang mga video na ito sa kani-kanilang social media account. Sa mga nasabing video ay kapansin-pansin ang paglalambingan nila na talaga namang nakapukaw ng atensyon ng maraming mga netizen.



Ayon naman sa ilang report, ang babae diumano ay mula sa Thailand habang ang lalaki naman ay isang Amerikano. Bagamat pareho silang hindi pinangalanan ay napansin naman ng marami ang account name na “Sasima Pathan” sa mga video ng taong nagbabahagi ng kanilang mga video.


Naging inspirasyon ang magkasintahang ito na kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin natatagpuan ang iyong “one true love”, malay mo sa mga susunod na araw, buwan at taon ay makatagpo mo na siya. At ito na nga ang maging simula ng inyong walang hanggan.





error: Content is protected !!