Isang wais na daddy ang gumuhit ng nakadilat na mga mata sa kaniyang talukap upang mabantayan pa rin ang anak habang siya ay natutulog!



Mahirap mag-alaga ng bata, hindi maipagkakailang nakakapagod din ito at kabisadong-kabisado ng maramig mga magulang. Ngunit iba din naman ang saya at galak na naidudulot ng mga bata sa ating pamilya at tahanan. Dahil nga sila ay mga bata pa, likas na malilikot at maliliksi ang mga ito, tila ba hindi sila nauubusan ng enerhiya at lakas. Ngunit kahit gaano pa man sila kalakas ay tiyak na mapapagod at makakatulog din sila. Ito na nga ang panahon at tamang oras upang makapagpahinga o makalusot ng pag-idlip man lamang.


Isang ama nga mula sa Tsina ang nakaisip ng napakahusay na solusyon upang kahit tulog ang magulang ay mabantayan pa rin nito ang kaniyang anak. Ang nasabing video na diumano’y kuha ng kaniyang misis ay naging usap-usapan nga at pumatok sa social media.




Ayon sa ilang ulat, ang nasabing ama ay pagod at ninais makabawi ng lakas at matulog habang tulog din ang kaniyang anak. Kung kaya naman ang ama na ito ay gumuhit ng mga mata sa kaniyang talukap upang hindi mamalayan ng bata na siya ay natutulog na nga. At nakuhanan nga ng video ang malikhaing gawa ng tatay na ito. Inakala nga ng bata na ang buong atensyon ng kaniyang ama ay nasa kaniya pa samantalang ang totoo ay namamahinga at natutulog ito.


Nakapukaw ng maraming atensyon sa social media ang nasabing video at mga larawan kung kaya naman marami ding mga ama ang gumaya dito. Ang isang ama ay naglalaro ng video game habang naka-strap ang bata sa kaniyang dibdib. Habang mayroon din namang nakaputol o nakasira ng ulo ng manikang sanggol habang nag-aaral ito ng tamang pagbuhat ng bata. Kung marami ang nasiyahan sa mga larawan at video na ito, marami din namang mga ina ang nabahala at tila kinabahan sa mga napanuod nila.



Sa ngayon ay mayroon na itong higit sa ilang milyong views.




father take care of their babies

A video shows a Chinese #father-to-be in a training course accidentally broke the practice doll’s head got wild on the internet. Trigger more fathers uploaded their videos showing how they take care of their babies. For example, a father drew eyes in his eyelids and played lullaby with earplugs on while put his baby to sleep. That is exactly why people cannot let fathers take care of their babies, because mums will get mad and pissed. (Weibo: 燃视频)

Posted by Melbourne Chinatown on Thursday, February 28, 2019




error: Content is protected !!