Kris Aquino niregaluhan ang kaniyang kasambahay ng regalong nagkakahalaga ng 100,000 piso!



Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa mga Aquino? Isa sa pinakamalaki at pinakamaimpluwensiyang pamilya hindi lamang sa pulitika maging sa industriya ng show business. Isa na marahil dito ang bunsong anak nina dating Pangulo Corazan Aquino at Benigno Aquino Jr. na si Kris Aquino o kilala rin bilang si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino.



Hindi lamang siya isang mahusay na host, batikang aktres, at mapagmahal na ina isa rin siyang tao na may mabuting kalooban na handang tumulong sa maraming taong nangangailangan. Sa katunayan ay marami siyang mga kawang-gawa na nagbibigay tahanan sa mga taong walang bahay, edukasyon para sa mga kabataan at gabay pangkalusugan para sa mga nangangailangan nito. Ilan sa mga tinutulungan niya ay ang Gawad Kalinga, World Vision at ang Philippine National Red Cross. Bukod pa rito ay mayroon ding sinusuportahang mga organisasyon si Kris na nagbibigay pagkakataon sa maraming kabataan ang muling makapag-aral at makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay.


Bukod sa pagtulong, hindi rin niya nalilimutan ang mga tao sa kanyang paligid. Lalo na ang mga taong nag-aalaga sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Marahil isang haimbawa na rito ang kanilang kasambahay na si Yaya Bincai, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama sina Kris, at mga anak nitong si Joshua at Bimby. Nagulat siya nang regaluhan siya ng mga ito ng isang Tiffany necklace na nagkakahalaga ng P100,000!


Ibinahagi ng aktres ang video ng kanilang pagsorpresa sa kanilang mahal na yaya. Mayroon ding mensahe si Kris para sa kanyang kasambahay na tinuring niya ring katuwang sa papalaki at pag-aalaga ng kaniyang mga anak. Lubos na nagpapasalamat si Kris sa kanyang mga kasambahay na siyang nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya at sa kanyang dalawang anak. Ayon pa sa aktres, malaking bahagi ng kanilang pamilya ang kanyang mga kasambahay na lubos niyang pinagpapasalamat lalo na ang kanilang tiyaga at sipag na talaga namang hindi matatawaran.

 

View this post on Instagram

 

on purpose i made @jacksalvador & @bincailuntayao go to @snr_official near closing to buy kuya’s Christmas eco bags filled with snacks & sweets for his school friends, because we wanted to be able to give bincai a birthday surprise. it isn’t an exaggeration for me to say that she’s the one who keeps it all together for the 3 Aquinos. The 2 boys and i are all on maintenance medication and bincai’s the 1 responsible for us to try our best to be as healthy as possible… she’s the one who wakes up in the middle of the night when i’m ********* from a migraine attack and i know my BP is high. She’s the one who monitors kuya’s food intake to make sure his ulcer doesn’t worsen, and she’s the one who gives Bimb his nebulizer for his asthma. the 4 of us are able to travel “independently” because in Bimb’s words, “we have adult supervision” since Bincai’s with us (our bunso acknowledges the truth that his mama is ALAGAIN) and we really are FAMILY. i can freely admit i’m not the disciplinarian to my 2 boys, it’s bincai & gerbel who are strict and whenever you compliment me that i’ve raised 2 very good, respectful, kindhearted, and polite boys- a lot of the credit i share w/ the 2 Luntayao sisters. it was in Japan we learned from jack’s ninang @mn_rf that hearts (whether a ring, pendant, or earrings) shouldn’t have a hole in the middle especially if the person wearing it is still single, that’s why bincai keeps receiving all my necklaces with hearts that aren’t “buo” – for our selfish reasons… anyway the 1st was a cartier & this was from tiffany. Happy 33rd birthday Bincai! WE LOVE YOU.(December 7 is her actual birthday and December 9 is Gerbel’s.)

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on






error: Content is protected !!