Labis na nagalak ang batang babae na ito dahil sa balikbayan box na padala ng kanyang ama, ano kaya ang laman nito?



Karamihan sa mga Overseas Filipino Workers o OFW ang masayang nagpapadala ng mga balikbayan boxes sa kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas lalo na kung mayroong okasyon tulad na lamang ng Pasko. Ang mga kahon na ito ay naglalaman ng mga bagay na mula pa sa dayuhang bansa na kanilang pinagtatrabahuhan. Marami din naman sa mga anak ng mga OFW na ito ang sanay nang makatanggap at magbukas ng mga balikbayan boxes sa tuwing sasapit ang kapaskuhan.



Ngunit lingid sa kaalaman ng batang babae na ito na makakatanggap siya ng regalo mula sa kanyang ama na talaga namang ikakagalak ng kanyang puso. Si Marco Caesar ang nagbahagi ng video ng kanyang pamangkin na babae na nakatayo sa tabi ng isang balikbayan box na diumano’y regalo ng kanyang ama sa kanya ngayong Pasko.


Hindi inaakala ng batang babae na hindi pala mga tsokolate o mga bagong damit at sapatos ang laman ng kahon na ito kundi ang kanyang ama mismo! Parehong OFW ang kanyang mga magulang kung kaya naman medyo sanay na rin siyang magdiwang ng Pasko na hindi kasama ang kanyang mga magulang. Sa susunod na taon pa sana magbabakasyon sa Pilipinas ang kanyang mga magulang ngunit dahil sa naawa ang kanyang mga magulang sa kanya ay nauna nang magbakasyon ang kanyang ama upang makasama ang anak nilang babae.


Laking gulat ng bata nang buksan ang kahon dahil sa imbes na mga tsokolate at padala ang kanyang makita ay sinorpresa siya ng kanyang ama. Walang mapaglagyan ng tuwa ng batang babae at hindi rin nito mapigilan ang pag-iyak. Talaga namang wala nang mas hihigit pang regalo sa isang anak kundi ang oras at panahon na makasama niya ang kanyang mga magulang. Wala pa rin talagang hihigit sa pakiramdam na makasama mo ang iyong mga magulang, mga anak, at mga taong mahalaga sa iyo, lalo na sa mga ganitong selebrasyon tulad ng kapaskuhan.






error: Content is protected !!