Nakuhanan ng litrato ang natagpuang Isla ng Basura! Panawagan na rin sa pagtatapon ng basura sa dagat!



Dahil sa paglaganap ng polusyon sa maraming lugar sa mundo, ito rin ang nagiging dahilan ng pagbabago ng ating mundo. Isipin mo na lamang ang mga basurang itinatapon mo sa paligid ay matindi ang ibabalik kung hindi pa mapipigilan ito.



Nakaka-lungkot mang isipin pero marami pa ring mga walang pakielam na mga tao na basta-basta na lang nagtatapon ng basura sa paligid nila. May ilan ding mga tao na nagtatapon sa mga anyo ng tubig na nagiging sanhi din ng pagkamatay ng mga hayop na naninirahan dito.


Ang dagat ang isa sa pinaka-malaking lugar na pinagkukuhanan natin ng pagkain. Isipin mo na lang, kung marami ang magtatapon ng basura sa dagat, siguradong ala na tayong makakain na isda dahil sa polusyon na maaaring ikamatay ng mga hayop sa dagat.


Isang halimbawa dito ang pagtuklas ng isang photographer na si Caroline Power sa isang isla ng mga basura. Sila ay naglalayag sa dagat ng Honduran Island sa Roatan ng mapansin nila ang napakaraming basura na palutang-lutang sa dagat. Sa pagkuha niya ng litrato sa nakitang mga basura. Si Caroline ay nanawagan sa lahat ng tao sa pagtigil sa pagtapon ng basura sa dagat.



Ayon kay Caroline:
“THIS HAS TO STOP. Think about your daily lives. How did you take your food to go last time you ate out? How was your last street food served? Chances are it was styrofoam and served with a plastic fork and then put in a plastic bag. Do you still use plastic garbage bags?” Powers continued. “Plastic soda bottles? Ziplock bags? Plastic wrap on your food? Do you buy toilet paper that comes wrapped in plastic instead of paper? Do you put your fruit and veggies in produce bags at the grocery?”

Ang panawagan ni Caroline ay para din matutunan ng mga tao ang tamang pag-bukod ng mga basura. Katulad na lamang ng mga plastik na hindi nabubulok. Bilang isang indibidwal, iisa lang ang mundo natin. Dapat ay mapangalagaan ito at ingatan kaysa sa magsisi na lang sa huli.






error: Content is protected !!