Silipin ang Maganda at Malaking Mansion Nila Manny at Jinkee Pacquiao sa Los Angeles

Iba talaga kapag pinagpala ng yaman. Lahat ng naisin mo ay makakaya mong mabili. Isa na dito ang ating pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao. Dahil sa kasipagan at pagpupursigi, nakamit niya ang tagumpay hindi lamang para sa kanya pati na rin sa kanyang pamilya.

Dahil sa nalalapit niyang laban ngayong Enero kay Adrien Broner ay lumipad papuntang Los Angeles ang Team Pacquiao kasama din ang kanyang pamilya. Ang kanyang mga anak ay sina Michael Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr., Mary Divine Grace Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao, at Israel Pacquiao. Siyempre, hindi mawawala ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao.

Ang laban ay magaganap ng Enero 19, 2019. Muli ay lalaban ang pambansang kamao sa WBA (Regular) Welterweight World Championship Fight. Si Broner ay isang amerikano at makikita natin sa labang ito ang muling pagdepensa ng ating pambansang kamao. Ang ating pambansang kamao ay may edad na 40 at sa labang ito ay makikita natin kung gaano pa kalakas ang ating pambansang kamao.

Ipinakita ng may bahay ni Manny Pacquiao na si Jinkee ang kanilang mansion sa Los Angeles, California. At talaga namang magagandahan ka sa itsura at laki ng mansion. Ang mansion ay may 4,500 sq ft, limang kwarto, at may 5 bathrooms.

Ito ay may dalawang palapag at may spanish facade at mayroon ding bubong na gawa sa tiles. Ang kulay ng bahay ay maraming puti at may konting itim na magpapakita ng simple pero eleganteng tignan. May mga painting at litrato rin makikita sa loob ng bahay karaniwan sa mga imahe dito ay mga laban niya at litrato ng pamilya. Makikita din ang angking kagandagan ng kanilang dining table at kusina na mayroong German engineering kabinets.

Bukod pa sa mansion nila sa Los Angeles, mayroon pa silang nabiling property sa may Beverly Hills. Ito ay dating pagmamay-ari ni Sean “Diddy” Combs na may 10,000 sq. ft. na may halagang 11.9 million dollars. Ang mga kwento ng tagumpay ng pambansang kamao ay isang halimbawa para sa mga taong nagsusumikap at nagsisipag. Ang nakakatuwa pa ay hindi nakakalimot si Manny Pacquiao tumulong din sa ibang nangangailangan.



error: Content is protected !!