Ang sikat na si kwek-kwek girl nagpamigay ng libreng kwek-kwek para sa mga suki niya bilang pamasko!



Naaalala nyo pa ba si Kwek-kwek girl na sumikat dahil sa maganda niyang mukha noong 2016? Mapapansin ang napakaganda niyang mukha ngunit sa kabila nito ay buong sipag pa rin siyang nagtitinda ng kwek-kwek gamit ang kanyang sidecar. Walang hiya hiya, walang keme keme sabi nga ng marami!


Si Preciousness Gem Naval Layug ay nagbahagi ng mga larawan sa kanyang social media account ng mga pagkaing kadalasang itinitinda niya sa kanyang side car kung saan siya ay nagpapamigay ng libreng merienda para sa kanyang mga suki. Noong ika-14 ng Disyembre ng magbahagi ng halagang 30 piso ng mga paninda niyang kwek-kwek at mga “tuhog-tuhog” si kwek-kwek girl sa harap ng Studio 23 malapit sa Columban College sa Olongapo.




Nagsimula ang libreng pa-merienda ng 5 ng hapon at talaga namang dinagsa ito ng marami niyang suki. Pagbabahagi pa ng magandang dilag, nais lamang niyang ibalik ang suporta at pagtangkilik ng maraming tao sa kanilang paninda ngayong kapaskuhan. Paglilinaw pa ng dalaga, maaaring kumuha at kumain ng halagang 30 piso sa kaniyang paninda ngunit isang beses lamang ngunit kung sakaling mabitin o magustuhan pa ay maaari pa din namang kumuha.





Mapapansin sa dami ng kaniyang mga ibinahaging produkto na talaga namang kumita siya ng malaki mula sa pagtitinda ng mga “street food” na ito. Marami din namang mga netizens ang natuwa sa pagbabahagi niya ng kanyang natamong biyaya. Talaga namang nakakamangha na bukod sa magandang hitsurang mayroon siya ay mayroon din siyang malasakit, pagmamahal, at pagpapahalaga sa kaniyang mga mamimili at sa kanyang mga suki.




Tiyak na ang mga suki niya maging ang iba niyang mamimili ay natuwa at nagalak sa libreng pa-merienda at maagang pamasko na kaniyang ibinahagi. Tunay ngang hindi lahat ng mga nagnenegosyo ay ganito ka-galante sa kanilang mga suki.





error: Content is protected !!