Estudyanteng sinabihan na gumawa ng ‘PowerPoint Presentation’, ginawan niya ng paraan kahit wala siyang laptop!



Iba na ang paraan ng pagaaral ngayon kumpara sa dati. Kung dati ay napupuyat ang mga estudyante upang magsulat ng kanilang irereport sa malaking manila paper, ngayon ay ‘PowerPoint Presentation’ na dapat. Masasabing malaking pagunlad ito sa paraan ng pagtuturo. Ngunit paano ang mga estudyanteng wala namang mga sariling kompyuter o laptop? Pwede silang magpunta ng kompyuter shop upang gumawa o kaya naman sa kakilalang kaklase na mayroon. Karaniwan pa sa mga kinakailangan sa paaralan ngayon ang paggamit ng internet. Totoong malaking naitutulong nito sa pagsasagawa ng mga research sa inaaral.


Hindi biro gumawa ng isang powerpoint presentation. Kinakailangan din ng pagiging malikhain at siyempre maalam sa paggamit. Gumugugol ng matagal na oras upang maging isang pulido at maganda ang isang powerpoint presentation. Kasama din kasi dito ang paglagay ng mga animations at effects. Kinakailangan din maglagay ng mga litrato upang mas maging kaaya-aya ang report. Kaso, isang kaganapan ang nangyari kung saan ay may isang guro na nagsabi sa kanyang estudyanteng gumawa ng powerpoint presentation. Nakita ito sa isang post sa Twitter sa handle na @Ah_ahmazing. Ang post ay ang estudyante ng isang lalaking guro sa kanyang printouts na tumakip sa buong board.




Ito ang caption ng tweet:
“Teacher: Ready your report tomorrow, huh? Powerpoint. Student: Yes, sir. Pero wala po akong laptop, sir. Teacher: Please find a way. Next morning… Salute to this girl. I love you.”

Ang estudyanteng ito ay walang laptop, kaya naman ito ang naging dahilan ng pagiging malikhain niya. Pero ito din ang dahilan kung bakit nabilib ang kanyang guro sa ginawa niya. Maaaring ginawa ng estudyante ay nag-type siya sa isang computer shop at nagbayad siya sa rental at pag-print. Sa post ay makikitang may mga kulay pink at puting papel. Maraming nagbigay ng komento sa naturang tweet. May nagsabi na sana ay pinahiram na lang sana siya ng guro ng laptop para sana hindi na napagastos ang estudyante. May nagsabi rin na sana ay tinuturuan ang mga estudyante ng tamang paraan ng pagrereport. Mas mainam kasi kung mga importanteng mga bagay lang ang ilagay, hindi naman kailangan ilagay lahat. Mas mabuti kung gawan niya ng buod. May nagsabi din na sana ay nagsave na lang sana sa flashdrive at ang guro na ang nagdala ng laptop.



Ano man ang naging komento ng iba, maraming maituturong aral sa atin ang tweet na ito. Pinakita dito ang pagiging malikhain, kahit na nabatikos ito sa ilang pagkakamali, ginawan parin ng paraan ng estudyante ang kanyang report. Hindi dapat tayo tumigil kung alam natin na hindi kaya, pagiging maparaan lang ang solusyon. Dahil walang problema na hindi kayang solusyonan. Dapat ay isipin lamang na kaya ito!




error: Content is protected !!