Isang Netizen ang nagbahagi ng kanilang private message sa FB! Ginagamit kasing dahilan ang inaanak upang maka-utang ulit!



Ang maging isang Ninong o Ninang ay isang karangalan maituturing. Kaya naman may kasabihan na bawal tumanggi kapag inalok ka na maging Ninong o Ninang. Ikinalulungkot isipin, ang ilan sa mga magulang ay pinipili nilang Ninong o Ninang ay mga mayayaman o kaya naman ay galanteng magbigay. Iniisip kasi kaagad nila ang pang-materyal na pangangailangan ng bata.




Kaya naman itong nakaraang pasko, sulit na sulit sa ilang bata ang pamamasko sa kanilang ninong at ninang. Kung sanggol pa ang anak, karaniwan ay magulang mismo ang namamasko sa mga kinuhang ninong at ninang. Pero hanggang saan ba dapat ang itinutulong ng isang ninong at ninang? Kapag ba nasabing kang ninong at ninang, kasama ka na rin sa mga problema ng iyong inaanak?



May isang netizen na nagngangalang Celine Rosales ang nagbahagi ng kanyang hindi magandang karanasan sa kanyang kumare. Ibinahagi niya ang paguusap nilang dalawa sa facebook messenger sa pamamagitan ng screen shots. Ayon sa mga litrato ng paguusap, may tawagan silang “Marshie at Mars”. Nanghihiram ng isang libo ang kumare ni Celine sa dahilang pang diaper ng bata. At ang nakakagulat pa dito ay sinabi pa na kinakailangan na ang pera ng agaran.


Samantalang may utang pa pala ang kumare ni Celine na Php 1,500 na hindi pa nababayaran. Dinahilan din ni Celine na hindi niya kayang magpautang dahil kailangan niya ito dahil sa bubuksan niyang tindahan. Pero sinagot ito ng kumare na pamasko na daw ang utang na Php 1,500 sa kanyang inaanak na wala na siyang magagawa pa. Sinabi rin ng kumare na mapera naman daw si Celine.



Sa paguusap nilang dalawa, lalong naging agresibo ang kumare ni Celine, sa pagsabi niya na humingi siya ng tulong sa ama ng bata. Dumating pa sa puntong sinabi pa ng kumare na 500 lang daw ang binigay ni Celine nung binyag at bayaran daw ang kinain niya noong binyag. Ang pinaka-matindi ay sinabi rin na sana daw ay hindi na lang siya kinuhang ninang ng bata. Nagwakas ang paguusap sa mahabang paliwanag ni Celine sa pagtanggi niya sa pagpapahiram. Sinabi niya sa huli ng kanyang mensahe na lumabas na ang tunay niyang kulay at i-post nya ang usapan nila para daw sumikat siya.




Para sa mga taong nakaramdam o nakaranas ng ganitong pangyayari, hindi kasama sa responsibilidad ng isang ninong o ninang ang pinansyal na pangangailangan ng bata. Obligasyon ng isang magulang tustusan ang pagpapalaki ng kanilang anak. Maaaring tumulong, ngunit hindi dapat ipagpilitan. Sa mga katoliko, ang kailangan gawin ng isang ninong o ninang ay maging halimbawa para sa kanilang mga inaanak, gabayan sa paglaki na may pananampalataya at takot sa Diyos. Karagdagan na lamang ang mga materyal na bagay na pwedeng ibigay na alam mong makakatulong at bukal sa loob ang pagbigay.




error: Content is protected !!