Misis masayang namumuhay kasama ang mister at tatlo pang mga asawa nito!



Masaya at buong galak na ibinahagi ng babaeng ito ang larawan nila ng mister kasama ang tatlo pang mga asawa nito. Tinawag niya itong “family photo”. Bagamat tila kakaiba ang ganitong set-up, buong pagmamalaki naman itong ibinahagi ng misis sa social media.


Kung maraming mga misis ang nagnanais na sila lamang ang babae sa buhay ng kanilang mga mister, ibahin ninyo itong si Waraphon Pruksawan mula sa bansang Thailand. Siya ang nagbahagi ng kakaiba nilang larawan bilang isang pamilya. Kumalat at naging usap-usapan sa social media ang larawang ito dahil marami ang hindi makapaniwala na mayroong isang babae na magnanais na ibahagi sa iba ang kanilang mister.




Ayon sa post, si Pruksawan ang unang asawa at siya pa mismo ang nagkumbinsi sa mister na magkaroon pa ng ibang mga asawa. Ayon pa sa ilang ulat, nais ng misis na hindi maglihim ang kaniyang mister sa kaniya at hindi siya lokohin nito kung sakaling may magustuhan siyang ibang babae maliban sa kaniya. Kung kaya naman hinayaan niyang magmahal ng iba ang kaniyang mister basta’t mayroon siyang permiso tungkol dito.



Legal na mag-asawa ang dalawa kung kaya naman laking gulat at pagtataka ng nakararami na pumayag siyang magkaroong ng kasalo sa kaniyang asawa. At tila masaya rin ang misis na makasama ang iba pang mga asawa ng kaniyang mister! Nakakagulat ngang talaga.


Dagdag pa niya, lagi siyang may huling desisyon patungkol sa “recruitment process” ng bagong magiging asawa ng mister. Nais nilang mag-asawa na magkaroon ng malaking pamilya. Hindi naman nakasaad sa post ng misis ang “sleeping arrangement” nila o kung sa iisang kwarto lamang ba sila natutulog ng sama-sama.



Marami din namang netizen ang nagbigay ng kanilang komento patungkol sa kanilang kakaibang pamilya. Ayon sa iilan, maaaring sa ngayon ay walang problema ang misis, mister at tatlo pang asawa nito ngunit tiyak na may masasaktan din na isa sa kanila dahil sa ganitong set-up ngunit ayon kay Pruksawan ay wala lang ito sa kaniya. Dagdag pa ng misis na hindi raw sila dapat mag-alala dahil kayang-kaya naman niya ang mga pagsubok na haharapin niya sa komplikado nilang relasyon.




error: Content is protected !!