Mga Litrato ng pagkabata, ginaya ng magkakapatid na ito na sobrang nakaka-aliw tignan!



Nakakatuwang alalahanin ang ating kabataan. Lalong lalo na kung babalikan natin ang mga litratong nakuhanan noong tayo ay mga bata pa. Samut-saring mga alaala ang mga maiisip at madalas ay maikukumpara natin ang itsura noon kumpara sa ngayon.

Ang magandang pagbabago sa mundo ngayon ay madali ng makapag-ipon ng mga litrato ng alaala ngayon. Kung dati ay kailangan mo pang bumili ng film sa mga camera shop, ngayon hindi na. Kailangan na lang ng cellphone na may camera upang makuhanan ang mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Ang nakakatuwa lang sa pagkuha ng litrato noon, naipapa-develop na kaagad ang mga litrato upang mailagay sa mga album.



Isang nagte-trending sa social media ngayon ay ang pagsasagawa ng pag-gaya ng mga litrato ng kabataan at i-post na kasama ang luma at bago. Lubos na kinaaaliw ng nga gumagawa nito dahil naikukumpara nila ang itsura nila noon at sa itsura nila ngayon. Kaya naman kung naiisipan mong gayahin ito, isang magandang halimbawa ang mga post ng mga magkakapatid na Bonifacio. Ang magkakapatid na bonifacio ay nagpakita ng walong mga litrato na ginaya nila ngayon. Todo effort ang ginawa nila upang magaya ang mga kasuotan at pose nila sa mga lumang litrato.

Ito ang 8 mga ginayang mga litrato ng nga Bonifacio Sisters:


1. Habang hawak ang mangga, ang nasa kaliwang babae ay hindi nakangiti at ang dalawang kapatid ay todo ngiti naman.


2. Ang magkakapatid ay humiga at bumuo ng “X” na hugis. Mapapansin na ang naka-orange ay hindi nakatingin sa camera.



3. Ang tatlong magkakapatid ay sabay sumubo na mapapansin na may parehas na kasuotan.


4. Ang magkakapatid ay may suot na mga party hats at pare-parehas din ang kasuotan. Mukhang hindi sila masaya sa pagdiriwang.




5. Nakakatuwa na buhay pa ang stuffed toy na si Daisy Duck!


6. Habang may hawak na prutas at gulay, nakangiti ang dalawang magkapatid ngunit ang isa naman na nasa kaliwa ay parang napilitan.


7. Tahan na kapatid! Huwag ka ng umiyak!


8. Sa mga halaman nagpakuha ng litrato, pero di sila naka-ngiti.






error: Content is protected !!