Nagkagulo ang mga netizen dahil sa larawang ito ng isang babae, tila may kakaiba sa kaniyang anino!



Nasasabik ang babae na ito na masilayan ang ikalawa niyang pamangkin sa kapatid niyang si Lean. Siya ay si Arlaine S. Villasabri na nakuhanan ng isang larawan habang buhay buhay niya ang kaniyang pamangkin. Ngunit ang pinakahihintay niyang sandali upang makarga ang munting sanggol ay nagdulot ng takot sa ilang nakakita ng larawan na ito.


Sa nasabing larawan ay buhat buhat ni Arlaine ang sanggol ng kaniyang dalawang kamay. Ngunit tila kakaiba ang hugis ng kaniyang anino na dapat sana ay sumasalamin sa hugis ng kaniyang katawan. Ang nasabing anino ay nakabaluktot ang katawan hindi katulad ng kay Arlaine na tuwid at nakadiretso lamang. Pansin din na ang mga kamay ni Arlaine ay nakayakap sa sanggol kaya naman nakakapagtakang ang kaniyang anino ay nakababa.




Sa simula ay hindi napansin ng ate ni Arlaine ang nasabing misteryo ng larawan. Si Arlaine pa mismo ang nakapansin sa kakaibang hitsura ng kaniyang anino sa larawan. Dahil sa nasa tahanan sila ng byenan ng kaniyang nakatatandang kapatid ay ipinakita rin nila ito sa kanila kung kaya naman nagulantang din ang lahat.


Sa pag-aalala na mayroong mangyaring hindi maganda dahil sa nasabing larawan ay ibinahagi niya ito sa social media at mataimtim na nagdasal. Marami din sa mga netizen ang nagbahagi ng kanilang saloobin patungkol sa kakaibang larawan na ito. Pinayuhan din siya ng karamihan na magdasal ng mataimtim at huwag nang alalahanin ang nangyaring misteryoso sa larawan. Bandang huli ang kanilang pananampalataya pa rin ang mangingibabaw kaysa sa anumang takot o kababalaghan ang nasa nasabing larawan.





error: Content is protected !!