Categories: Viral

Bahay Kubo kahit munti, nasa loob ng isang bote! Kilalanin si Lolo na nagtitinda ng gawang Bahay Kubo sa loob ng bote

Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain. Marami na rin sa mga pinoy ang sumisikat sa larangan ng paglikha. Isang matandang lalaki ngayon ang sumisikat ngayon sa social media. Nakaka-bilib ang mga gawa niyang mga gawang kamay na pang display na Bahay Kubo na naka-paloob sa isang bote. Ang mga litrato ng kanyang mga gawa ay naibahagi na ng maraming mga Facebook pages at talaga namang ikinabilib at ikinamangha ng maraming netizens.

Ayon sa Trending Pinoy Videos, madalas na nakikita si Lolo na gumagawa at nagtitinda sa may Sequel malapit sa Holy Cross ng Davao College, Sta Ana Avenue da Davao City. Habang siya ay nagtitinda ng kanyang mga magagandang gawa, maaaring panuorin ng mga lumalapit sa kanya ang paggawa niya ng Bahay Kubo.

Maraming nabibilib sa angking talento ng matanda. Iniisip nila kung paano naipapasok ni Lolo ang Bahay Kubo sa loob ng malaking bote. Kung iisipin maliit lang ang nguso ng boteng ito. Sa murang halaga na Php 80 ay makaka-bili ka na ng bahay kubo na tinda ni Lolo. Kaso nga lang, sa Davao ka pupunta kung gusto mong makabili nito. Maraming mga netizens ang gusto sanang makabili ng likha ni Lolo. Sana ay may tumulong kay Lolo na itinda ito sa pamamagitan ng online na pagtinda.

Kung mayroon lang sana na pwedeng pumakyaw ng mga tinda niya at siya na mismo ang magtinda nito sa online. Pwede rin naman ay mag pre-order at mag-dagdag na lang para sa shipment. Sana rin ay mapansin ang angking talento ni Lolo sa Davao upang makatulong na rin sa kasipagan ng matanda.

Lahat tayo ay biniyayaan ng talento. Nasa sa atin lamang kung ating pagyayamanin at ipapakita sa buong mundo ang kakayahan natin. Katulad ni Lolo, ipinamalas niya ang talento niya sa paggawa ng Bahay Kubo na nasa loob ng bote.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago