Ikinagalit ng mga netizen ang pag-iwan ng mga magulang na ito sa kanilang anak sa loob ng sasakyan para lamang uminom!

Nangyari na ba sa iyo ang maiwan sa isang patay na sasakyan nang sarado ang pintuan at mga bintana? Mabilis na umiinit ang hangin sa loob ng patay na sasakyan kahit pa gabi na animo’y malamig ang simoy ng hangin. At sa loob lamang ng ilang minuto tiyak na pagpapawisan ka na ng matindi at ang hangin sa loob ng sasakyan ay magiging mapanganib dahil sa baba ng taglay na oxygen nito.

Isipin nyo na lamang ang isang paslit na maiwan sa ganitong kalagayan, walang kalaban-laban, walang kamuang-muang. Nangyari nga ito sa isang batang lalaki sa loob ng isang Toyota fortuner sa labas ng Metrowalk, 4 ng madaling araw.

Matapos nang party na dinaluhan ni Jasper Pascual ay dumiretso na siya sa kaniyang sasakyan upang makauwi na agad ng kanilang tahanan ngunit laking gulat na lamang niya ng may narinig siyang iyak ng batang lalaki na nasa loob pala ng katabi niyang sasakyan! Dahil sa pag-aakalang guni-guni nya lamang ang narinig, nagpatuloy siya sa pagbubukas ng kaniyang sasakyan ngunit bigla bigla na lamang niyang narinig at naaninag ang batang umiiyak habang kumakatok ng malakas sa madilim at saradong sasakyan.

Dahil sa nagulantang si Jasper sa pangyayari, agad agad niya itong ipinaalam sa guwardiya upang mahanap ang may-ari ng sasakyan kung saan natagpuan ang bata. Makalipas ang 5 minuto ay natunton din ang ina ng kawawang paslit. Galit na galit ang ina sa tila pag-istorbo sa kaniya ng nagmamalasakit na guwardiya. Bakas sa mukha at sa kilos ng ina na nakainom na rin ito.

Nagkaroon pa ng pagtatalo ang mga ito ng dumating din ang ama ng bata. Bagamat may mga larawan din si Jasper ng mga magulang na ito ay mas minabuti na lamang niyang hindi ito ibahagi sa social media para na rin hindi pa lumaki ang away.

Ang nangyaring ito ay malaking paalala sa maraming mga magulang na mas bigyan ng pansin ang kanilang mga anak, at lalo nang huwag hayaang mag-isa ang kanilang anak sa loob ng sasakyan para lamang magsaya at uminom ng alak!



error: Content is protected !!