Isang Pinay maid ang maswerteng nakatanggap ng abot sa halagang 500k sa mga designer items na niregalo sa kaniya ng kaniyang mga amo



Kung kadalasan ay puro masasamang balita na lamang ang naririnig at nakakarating sa atin patungkol sa mga kababayan natin sa ibang bansa lalo na sa mga lugar sa Middle East. Isang Pilipina ang naging usap-usapan sa social media kailan lamang dahil sa magagara at mga mamahaling bagay na ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga amo.



Mhai San Pedro, 31-taong gulang na Pilipina siya ay nagdesisyong magtrabaho sa Middle East bilang isang kasambahay upang maiahon at matulungan ang kaniyang pamilya sa hirap ng buhay. Dahil sa hikahos at hirap ng buhay na kaniyang dinaranas, nilakasan niya ang kaniyang loob na magtungo sa ibang bansa at magtrabaho, para na rin sa kinabukasan ng kaniyang mga anak. Siya at ang kaniyang asawa ay ngatatrabaho noon bilang factory worker, bagamat dalawa na silang naghahanap-buhay ay hindi pa rin sumasapat ang sweldo nilang mag-asawa sa dami ng gastusin nila bilang isang pamilya. Ngunit ang pinakamahirap pa dito ay ang ikatlong anak nila na isinilang ng may pulmonary condition, dahil sa madalas ang pagpunta at pagpapagamot nila sa ospital ay tiyak na mababaon din sila sa utang kalaunan.


Kung kaya naman siya ay nagsumikap na makarating sa Saudi Arabia at maging isang domestic helper. Dahil sa labis niyang pagsusumikap at pagtitiyaga na nakita ng kaniyang mga amo hindi na siya itinuring na iba ng mga ito. Naging mapagbigay rin ang mga ito sa kaniya lalo na sa mga mamahaling bag, sapatos, make-up, pabango at cellphone. Talaga namang napakapalad niyang magkaroon ng ganitong mga amo.


Napag-alaman din ng mga ito ang hirap ng kanilang buhay dito sa Pilipinas noon at ang pangarap niyang magkaroon sila ng sarili nilang bahay. Kung kaya naman nung siya ay pauwi ng Pinas, hindi lamang sweldo niya ang binigay ng mga amo kung hindi nagbigay din sila ng karagdagan pang salapi. Kung kaya naman nakapag-uwi siya ng 35, 000 Riyals o P500,000! Ngunit hindi rin pala ito ang pagpapalang kaniyang natanggap mula sa kaniyang mga amo kundi maging ang pangbayad sa ospital ng kaniyang anak na may sakit.






error: Content is protected !!