Nagalit ang babae na ito sa kumare na OFW dahil sa hindi ito pagbibigay ng pera para sa birthday party ng kaniyang anak!



Isang napakalaking kamalian ang kaisipan ng maraming Pilipino na ang mga kababayan nating OFW o overseas Filipino worker ay maraming pera o ang iba nga ay sinasabi pang mayayaman na at tila ba nanghihingi pa ng balato. Ngunit karamihan naman sa mga kababayan nating OFW ay nagpapadala ng mga balikbayan box sa kanilang mga pamilya minsan sa isang taon o kaya naman ay kapag sila ay umuuwi o nagbabakasyon dito sa Pinas.


Totoo man o hindi, ang pagkakaroon nila ng salapi gaano man ito karami o kaunti ay tunay ngang mula sa kanilang pagsusumikap at patitiyaga sa kanilang trabaho sa ibang bayan sa kabila ng kanilang kalungkutan at pananabik sa kanilang pamilya, mga anak, at asawa ay talaga namang labis na nakakamangha.





Kung sakali man na bigyan tayo ng ating mga kamag-anak na OFW ng mga bagay na mula sa pinagmulan nilang bansa, maging tsokolate man ito, damit, gadget, o laruan ay nararapat lamang na pahalagahan at atin itong ipagpasalamat. At ang paghingi ng salapi o pera mula sa kanila ay maaaring hindi katanggap-tanggap sa paningin ng marami, dahil sa marami din naman silang kinakailangang pagkagastusan at paglaanan ng kanilang pera.



Isang babae ang talaga namang pumukaw sa atensyon ng maraming netizen dahil sa sinabihan nito ng makasarili at mayabang ang kumare niyang OFW dahil sa ayaw umano nitong bigyan ng pera ang kaniyang anak, na inaanak ng OFW para sa gaganaping birthday party nito. Ang lahat ng ito ay nagsimula sa usapang “Hi be, kamusta ka?”. Kamustahan na napunta sa paghingi ng mgma pasalubong at sapatos para sa kaniyang anak na babae. Ang paghingi na ito ay napunta din sa paghingi ng 5 libong piso para sa pang-upa daw ng mga lamesa at upuan para sa birthday party ng anak.




Ang mainit na usapan na ito ay talaga namang pinagusapan sa social media at maraming mga netizen at hindi mapigilang mainis at magalit sa ina ng bata na hindi naman dapat humantong sa ganung usapan ang kanilang kamustahan.




error: Content is protected !!