Sila ang 16 na nag-gagandahang mga anak na babae ng mga Hosts ng Eat Bulaga



Ang Eat Bulaga ay isang primetime television show na kilalang-kilala na ng bansa. Ang palabas na ito ay nakakapag-bigay kasiyahan sa mga manunuod tuwing tanghali. Sa kasalukuyan ay mapapanuod ang Eat Bulaga sa GMA-7. Ang Eat Bulaga din ang pinaka-matagal at mapapanuod pa na TV show sa buong bansa. Itong taon na ito ay ipagdiriwang nila ang 40th na anibersaryo nila sa July 30, 2019.

Ang pinaka-matatag na Host sa Eat Bulaga ay ang trio na TVJ, Sila ay si Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon. Marami na ring napasikat na artista ang naturang TV show at talaga namang nakaka-aliw ang iba pang hosts. Marami na ring mga kina-aliwan na mga palaro ang Eat Bulaga na ilan pa dito ay nagmarka na sa isipan ng mga tao. Isa rin ang Eat Bulaga sa pinaka-unang TV Show na nagkaroon ng franchise sa ibang bansa. Ito ang “The New Eat Bulaga! Indonesia” . Ito ay tumagal ng 2014 hanggang 2016.



Naging parte na rin ng buhay ng maraming Pilipino
ang panunuod ng Eat Bulaga lalong lalo na kung kumakain ng tanghalian. Bukod sa nakakapag-bigay ng saya ay nakakatulong rin ang naturang TV Show sa mga nangangailangan. Sa kasikatan at tagal ng palabas na ito, hinangaan na rin natin ang mga nagiging hosts nito. Ang mga hosts dito ay talaga namang nakaka-aliw at ang iba ay magagaling magpatawa. Pero hindi natin ngayon paguusapan ang mga kasalukuyang hosts.

Ating alamin at kilalanin ang mga anak na babae ng mga sikat na sikat na mga Hosts ng Eat Bulaga. Tignan natin ang angking kagandahan ng mga ito. Maaari kayang sila na ang sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang? Sila na kaya ang susunod nating makikita sa napakatagal na noontime show na ito? Tignan natin ang mga larawan sa baba, makikilala niyo ba ang mga magulang nila sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mukha?


Sila ang 16 na mga anak na magagandang babae na anak ng mga Hosts ng Eat Bulaga:

Keira Claire



Sikat na sikat ang host na ito dahil sa talento niya sa “Make-Up Transformation”. Ang magaling na host na si Paolo Ballesteros ay mayroong nagiisang anak na babae na si Keira Claire Ballesteros.

Rianne




Isa rin ito sa mga magagaling magpatawa sa mga host ng Eat Bulaga. Siya si Wally Bayola na may mga anak ding babae. Isa dito ay si Rianne Bayola, ganda niya diba?

Marianne Lyza


Bukod kay Rianne, ang panganay naman ni Wally Bayola ay si Marianne Lyza Bayola. Kamakailan lang ay nagkaroon na ng apo si Wally Bayola sa kanyang panganay na ang pangalan ay baby Zafira.

Chenee at Jocas




Isa sa mga nagpatibay ng Eat Bulaga na si Joey De Leon ay may mga magaganda ring mga anak na babae. Karaniwan kasi kilala lang natin ang anak niyang lalaki na si Keempee De Leon. May dalawang anak na babae si Joey De Leon kay Eileen Macapagal. Sa may kaliwa sa litrato ay si Cheenee sa may pinaka-kanan ay si Jocas.

Scarlet


Mayroon ding anak si Pia Guanio na babae na ang pangalan ay Scarlet. Ang asawa naman ni Pia Guanio ay isang businessman na ang pangalan ay Steve Mago.

Dr. Myki Manalo


Isa sa pinaka-magaling magpatawa na host ay si Jose Manalo. May anak din siyang babae na isang doktora. Siya ang magandang si Dr. Myki Manalo.

Toni Aquino


Marami ring hunanga sa galing ng pag-hohost ng matagal na rin na si Ruby Rodriguez. Dahil sa magandang mukha niya siguradong namana din ito ng kanyang anak na babae.

Paulina at Danica


Siyempre, ang pinaka-kilala sa Eat Bulaga na si Vic Sotto ay hindi magpapahuli. May anak siyang mga babae na sina Paulina at Danica.

Lala, Apple, at Ciara


Si Tito Sen din ay hindi magpapaiwan. Kilala natin si Ciara Sotto na naging artista din. Pero meron pa palang dalawa na anak pa si Tito Sotto. Kaya tatlo talaga ang anak niyang babae na ang mga pangalan ay Lala, Apple, at Ciara.

Andrea


Ito naman ay si Andrea, isa sa mga anak ni Anjo Yllana.

Mikaela


Isa din sa mga anak ni Anjo Yllana ay si Mikaela. Ang ganda niya diba?

Yohan at Baby Luna


Si Yohan at si Baby Luna naman ang mga anak na babae nila Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos




error: Content is protected !!