Marami ang nagulat sa ginawang pag-iipon ng pamilyang ito dahil napuno nila ang kanilang higaan ng maraming pera!



Minsan na bang sumagi sa inyong isipan ang humiga sa maraming salapi? Ito ay pinatunayan ng isang pamilya na maaari din palang maging katotohanan, matapos nilang mag-ipon sa loob ng isang taon at ibahagi sa social media ang dami ng kanilang naipon na pera.


Isang netizen ang nagbahagi ng ilang larawan na talaga namang nagpamangha sa marami! Siya ay si Abby Sarmiento Mendoza halos dalawang higaan ang kanilang napuno dahil sa dami ng mga perang papel at barya na naipon nila. Imbes na “piggy bank” ang gamitin nila sa pag-iipon, isang malaking babasagin na lalagyan ang kanilang pinaglagakan ng pera, tulad ito ng mga lagayan ng raffle ticket sa mga mall. Upang mas ganahan silang makapag-ipon ay may mga guhit din ito ng kanilang mga plano sa maiipon na pera, eroplano at bahay ang ilan sa mga nakaguhit dito.




Matapos nga ang ilang buwan at halos isang taon ng pagtitipid at pag-iipon ay binuksan na nga nila ang kanilang lalagyan, at laking gulat na lamang nila dahil sa dami nito ay nakapuno sila ng dalawang higaang namumutiktik sa salapi.


Maraming mga netizen ang nahamon at naengganya din na makaipon tulad ng pamilya na ito. Tunay ngang kung nais mo talagang mag-ipon ay walang magiging hadlang rito. Kahit pa sa panahon ngayon na puno ng gastos at maliit na sweldo, talaga namang magdadalawang-isip ka kung paglalaanan mo pa ba ng oras at salapi ang ganitong uri ng pag-iipon. Ngunit gaya ng sabi ng matatanda, kapag gusto ay may paraan at kapag naman ayaw ay maraming dahilan. Isa rin itong napakagandang aral para sa maraming kabataang Pilipino na tila nalilimutan na ang pagtitipid dahil sa maraming mga bagay at kagamitan na kanilang pinagkakaabalahan.





error: Content is protected !!