Marami ang namangha sa kundoktor na ito sa Pasay!



Sabi nila, matatagpuan mo raw ang pag-ibig sa pinaka hindi mo inaasahang panahon at pagkakataon. At kung ikaw naman ay kasalukuyang naghahanap ng mamahalin, tiyak na ikaw ay alisto sa kung sino man ang makapupukaw ng iyong atensyon at makabibihag ng iyong puso.


Kadalasan na nating nababalitaan at nakikita ang maraming mga guwapo at magagandang mukha sa social media. Malimit din naman na ang mga ito ay napapansin ng mga netizen sa pang-araw araw nilang gawi.




Sa Pasay, isang kundoktor ng bus ang naging usap-usapan sa social media dahil sa matipuno at makisig nitong pangangatawan. Maraming mga kababaihan ang talaga namang nagalak sa mga larawang ito ng kundoktor na hindi naman pinangalanan. Ayon sa ibang mga netizen ay “yummy” daw kumbaga ang sinasabing lalaki. Ang ilan nga ay nagbiro pa na handa silang sumakay sa lahat ng bus sa Pasay makasakay at makasabay lamang sa sasakyan ang makisig na lalaki na ito.


Ilan pa sa mga sumikat na personalidad sa social media na mula rin sa normal nilang pamumuhay ay sina Carrot man na nakuhanan ng larawang na may buhat buhat na malaking basket ng carrot sa kalsada. At maging si Badjao Girl na hinangaan sa kaniyang magandang mukha at nangungusap na mga mata! Talaga namang nagbago ang kanilang mga buhay dahil sa simpleng pagbabahagi lamang ng kanilang mga larawan sa social media. Hindi nila inaasahang sa paraang ito ay mas makikilala sila, mamahalin ng maraming tao, at mas makakatulong sa kanilang mga pamilya. Nakakamangha at talaga namang inspirasyon sila sa nakararami!





error: Content is protected !!