Pinuri ng maraming netizen ang pagbebenta ng batang ito ng kaniyang mga guhit para lamang magkaroon ng baon sa paaralan.



Kung marami mang mga kabataan ngayon ang ayaw nang pumasok sa paaralan dahil sa walang ibibigay na baon ang kanilang mga magulang, mayroon din namang iilan na talaga namang gumagawa ng paraan upang makapasok sa eskwelahan at makapagtapos man lamang ng pag-aaral. Ilan sa mga batang ito ay tumutulong sa mga gawaing bahay, nagtitinda ng mga kakanin o ng iba pang mga pagkain na maaaring ilako, o ang ilan naman ay nagkakalkal ng mga basura at nangongolekta ng mga bakal at bote na ibinibenta naman nila sa mga junk shop kapalit ng maliit na halaga.


Isang bata sa Nueva Ecija ang naging usap-usapan sa social media dahil sa pagliban nito sa kanilang klase dahil sa kawalan ng baon. Dahil dito ay lalo pa siyang pinagpala at marami ang dumating na tulong sa kaniya upang hindi na siya muli pang lumiban sa kaniyang klase. Ngunit ang batang ito sa Espanya, Maynila ay talaga namang nagpamangha sa maraming mga tap dahil sa pagbebenta niya ng kaniyang mga iginuhit para lamang siya magkabaon sa eskwela.



Isang netizen na nagngangalang Bryan (@BryTooot) ang nagbahagi ng larawan nito sa kaniyang social media account. Ayon sa kaniyang kwento, nasa dyip siya noon nang may batang nagsalita sa kaniyang tabi sabay alok sa kaniya na bumili na siya ng kaniyang painting sa halagang limang piso para lamang sa kaniyang pambaon. At dahil sa namangha siya sa batang ito, binigay niya ang kalahati ng kaniya rin sanang baon para sa buong araw na ito.

Bagamat maraming netizen ang nagsasabing hindi na siya dapat pang bumili ng larawan sa batang iyon, marami pa rin naman ang pumuri sa ginawa niyang hakbang kung saan binigyan niya ng pag-asa at pagkakataon ang batang paslit na kahit papaano ay magkaroon ng pambaon sa eskwelahan.


Kung ang ilan sa mga bata ay mamalimos na lamang ng pera sa kalsada, ibahin ninyo ang batang ito na talaga namang nagsusumikap makapagtapos ng kaniyang pag-aaral at kahit papano ay gumagawa ng paraan upang makaraos sa kaniyang baon.




error: Content is protected !!