Ang pagtulong ng isang Malaysian Teacher sa kanyang estudyanteng nakaka-awa



Ang ating mga guro ay para naring pangalawang magulang. Mas marami kasing oras ang inalalagi ng isang mag-aaral sa iskwelahan. Ang mga guro din minsan ang nagtuturo sa atin ng magandang asal upang lumaki tayo ng maayos at mabuting tao. Tunay na isang hindi birong trabaho ang pagiging guro. Ang propesyon na ito ay nangangailangan ng kasipagan, dedikasyon, at debosyon sa pagtuturo. Kung iisipin, hindi natatapos ang trabaho ng isang guro sa paaralan, maging sa bahay ay may ginagawa pa rin sila para sa paghahanda sa kinabukasang ituturo.


Kaya naman itinuturing nating mga bayani ang mga guro. Kung hindi dahil sa kanila, hindi tayo marunong magbasa, magsulat, at maging isang maayos na tao handang sumabak sa mundong puno ng pagsubok. Isang tagos sa pusong pangyayari ang napansin ng mga netizen patungkol sa isang guro na tumulong sa kanyang estudyante. Siya si Mohd Nasir na isang guro sa Malaysia, na tinulungan ang kanyang estudyante dahil nahabag siya sa kasuotan nito. Napansin niya kasing nahihirapan sa paglalakad ang bata kaya siya ay nagtanong.




Ito ang sinabi ni Mohd Nasir:
“I asked him why was he walking like that. He told me that he couldn’t walk properly because his shoes were too big for him. I could fit three fingers in the space in his shoes.” Sinabi rin ng batang estudyante na pinag-lumaan lamang ng kuya niya ang suot niyang uniporme kaya sobrang laki nito sa kanya. Kaya naman ipinagpaalam ng guro sa opisina ng eskwelahan ang bata upang mabilhan ng sapatos pamasok. Binilihan din ng guro ng uniporme ang bata para maging sakto ito sa kanya.


Nagawa ng guro ang kabutihang ito dahil itinuturing na niyang parang mga tunay na mga anak ang mga estudyante niya. Nakakatuwang isipin na may mga guro na katulad ni Mohd Nasir. Kahit hindi na niya tungkulin tulungan sa materyal na bagay ang estudyante, tinulungan niya ito ng walang pag-aatubili. Kung ang lahat ng tao ay katulad mo dakilang guro, marahil ay napaka-payapa ng ating mundo.





error: Content is protected !!