Dating Wowowee Dancer na si RR Enriquez, isa nang matagumpay na CEO ng isang sumisikat na Skincare Business



Si RR Enriquez ay sumikat bilang dancer sa isang noontime show na Wowowee. Ang kanyang husay sa pagsayaw at kagandahan ang naging dahilan upang makilala pa siya ng maraming tao. Hindi rin nagtagal ay naging host na rin siya ng nasabing noontime show. Nakilala din natin siya bilang partner ng isang sikat na manlalaro ng basketball. Ang point guard ng Barangay Ginebra na si Jayjay Helterbrand ang matagal ng boyfriend ni RR Enriquez.


Siyempre, sa mundo ng showbiz marami ring pumipili sa landas ng pagnenegosyo. Hindi rin kasi masasabing palagi kang kumikita sa mundo ng showbiz. Kaya naman minabuti ni RR Enriquez na pumasok sa isang Skincare Business. Hinikayat niya ang kanyang boyfriend na si Jayjay Helterbrand na tulungan siya sa naiisip niyang business. Nakaraang September 2012 ay binuksan nila RR Enriquez at Jayjay Helterbrand ang Rejuva Skin Care and Nail Spa.




Ito ang naging panayam ni RR Enriquez sa PEP:

“He has to kasi wala akong pera, kailangan niyang magbigay ng pera!” sinabi ni RR ito ng pabiro. “Una, siyempre, hesitant siya. Sabi niya gano’n, ‘malulugi ka diyan, ma-ano ang pera mo.’ Then after that sabi ko, ‘Babe, dito tayo yayaman. Trust me, yayaman ka sa akin,’ sabi kong gano’n.” Ayon sa naging pahayag, hindi kumbinsido si Jayjay Helterbrand sa naiisip na negosyo ni RR Enriquez. Dahil nagtiwala siya sa kanyang minamahal, binigay ni Jayjay buong suporta sa kanyang nobya.



Ang kanyang sikat na Rejuva Skin Care and Nail Spa ay matatagpuan sa Timog Avenue, Quezon City. At sa kasalakuyan ay pinupuntahan ang lugar na ito. Sobra ang pagtutok sa business ang ginawa ni RR Enriquez at siya na ngayon ang CEO ng business na ito. Minsan pa nga ay siya mismo ang nagtuturo para masigurado ang serbisyong nabibigay ng kanyang business. Gayon pa man, kahit na matagumpay ang kanyang nabuong business, siya ay nanatiling mapagkumbaba. Minsan pa nga ay siya mismo ang naglilinis. Saludo kami sayo RR Enriquez! Pinatunayan mong walang imposible sa taong nagsusumikap at may tiwala sa sarili.




error: Content is protected !!