Dinala ng lolo na ito ang kaniyang mga apo sa Jollibee drive-thru lulan ng kaniyang kalabaw!

Walang kaduda-duda na ang Jollibee ang isa sa pinakapaboritong kainan o restawran ng maraming mga Pilipino. Sikat na sikat ito hindi lamang sa mga bata kung hindi maging sa maraming mga “young at heart”. Maging ang mascot nito ay isa rin sa pinakamamahal ng maraming mga bata dahil sa nakakatuwang kulay at hugis nito na isang bubuyog.

Maging ang ilang mga balikabayan o Overseas Filipino Workers (OFW) ay talaga namang mapapahinto at mapapakain sa pinakamalapit na kainang ito dahil sa laang pinoy na tila ba ikaw ay nasa sarili mong tahanan o bansa.

Kung sa siyudad ay maraming mga ganitong uri ng kainan na talaga namang dinarayo ng marami, mayroon din naman nito sa mga piling probinsiya. Kung kaya naman laking gulat din ng karamihan ang kumakalat na laraan patungkol sa isang lolo na lulan ng kalabaw ang kaniyang mga apo sa pagbili ng pagkain sa Jollibee. Kadalasang mga kotse, motor, o ibang uri ng sasakyan ang bumibili rito, kakaibang tanawin ang pagbili ng isang lolo gamit ang kaniyang kalabaw.

Ang nasabing larawan ay mayroon nang 1.2 million na views at patuloy pang dumarami sa paglipas ng mga araw. Nakakatuwang malaman ang pagmamahal na ipinapakita ng lolo na ito sa kaniyang mga apo, kahit pa wala silang magarang sasakyan ay mababakas mo talaga sa kanilang mga mata ang ligaya sa kanilang mumunting salo-salo habang lulan ng kalabaw.

Isa lamang ito sa masasayang larawan ng mga apo kasama ang kanilang mahal na lolo. Tiyak na maraming mga Pilipino ang makakaalala sa kanilang kabataan kasama ang kanilang mga mahal na lo,o at lola.



Reply

error: Content is protected !!