Mga inipon na pera, iniligay ni Ryza Cenon sa malaking garapon! Panghihikayat sa iba na magipon na rin



Ngayong dumating na ang bagong taon 2019, isang panibagong yugto at hamon nanaman sa ating buhay. Dumaan ang pasko at bagong taon at siguradong ang iba ay naubusan na ng pera. Sulit naman dahil naging masaya ka sa mga naging pangyayari. Pero ibang usapan na ang pagharap natin sa taong 2019.


Lahat tayo ay mga pangarap at gustong marating. Kaya naman todo sipag ang ginagawa upang makamit natin ang mga pinapangarap. Pero hindi naman puro sipag lang ang kailangan. Kinakailangan ding maging madiskarte sa buhay. Para sa mga pang-mahabaan na pangarap, ang tanging susi dito ay ang pag-iipon.




Sa dami ng gastusin araw-araw, minsan naiisip natin na palaging sapat lang ang kinikita. Minsan pa nga, ang masaklap pa ay kinukulang o kinakapos tayo. Gayon pa man, pinipilit natin makayanan ang bawat pagsubok na dumarating sa atin. Kahit na para bang hanging na dumadaan sa kamay natin ang pera, isipin lamang na para maramdaman ang hanging na ito, kailangan ay ipunin ang hangin na ito sa isang lalagyan.


Marami ng nauuso na mga paraan ng pag-iipon. Mayroong Peso Saving Challenge o kaya naman magipon lang sa simpleng alkansya. Kung mas malaki ang pera, mas mainam kung ilalagay ito sa bangko o kaya naman ay investment. Pero hindi ganoon kadali ang makalikom ng pera. Pero para sa isang sikat na artista katulad ni Ryza Cenon, pinatunayan niyang kahit sino ay kayang magipon. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang naging ipon niya na talaga namang ikinabilib ng marami niyang followers. Sa litrato ay makikitang may dalawang malaking garapon na nakabukod ang 20 peso bills at 50 peso bills. Hindi natin alam kung magkano ang naging total ng perang naipon pero naging inspirasyon ito para sa mga taga-hanga niya.



Ayon sa post ni Ryza Cenon:
“Bagong taon na kailan na ulit mag ipon. Kayo rin ha mag ipon kayo,” Isang halimbawa lang si Ryza Cenon sa mga taong pinahahalagahan ang pag-iipon. Balang araw, sa punto ng buhay ng pangangailangan, mayroon kang makukuhanan.




error: Content is protected !!