Nakaipon ang netizen na ito ng 1.3 milyong piso kahit siya ay minimum wage earner, paano niya kaya ito nagawa?



Halos karamihan ng tao ay makakapagsabi at makakapagpatotoo sa iyo na hindi nila kayang makaipon ng pera kahit pa sila ay sumusweldo ng dalawang beses sa isang buwan o kaya naman ang ilan ay mga minimum wage earner. Sa dami ng nagtataasang bilihin, gasolina at mga pangunahing produkto sa ating bansa hindi ka nga naman talaga makakapaglaan pa ng oras at ng pera para dito.


Ngunit aakalain mo bang mayroong isang netizen na kumikita lamang ng minimum na sahod ngunit nakaya niyang makapag-ipon ng higit sa isang milyong piso. Ibinahagi din naman niya ang kaniyang sikreto sa pag-iipon niyang ito na naging inspirasyon din naman sa marami.




Nagsimula ito sa 20,000 piso na kaniyang naipon para sa kaniyang buy and sell business online. At sa loob lamang ng 7 buwan ay naging 120,000 piso na ang laman ng kaniyang bank account! Ilang buwan lamang ang nakalipas at ito ay naging 1.3 milyong piso na. Kamangha-mangha talaga ang ginawa ng netizen na ito, isang napakagandang patotoo na kung ilalagay mo lamang ang iyong puso at isipan sa bagay na nais mong makamit ito ay magiging posible. Bagamat hindi niya ipinaalam ang kaniyang tunay na pangalan sa pagbabahagi niyang ito ng kaniyang kwento ay inamin naman nito na siya ay kumikita lamang ng minimum wage kung kaya naman istrikto talaga siya sa kaniyang budget at sa kaniyang mga pinagkakagastusan. Ayon pa sa netizen na ito 12,000 ang kinikita niya sa loob ng isang buwan at dahil isang beses sa isang buwan lamang sila kung sumweldo ay mas madali para sa kaniya na mabudget ito. 3,000 para sa kaniyang mga magulang, 2,000 sa kaniyang panggastos, 2,000 sa mga bayarin, at ang natirang 5,000 ay itinatabi niya sa bangko.


Sa liit ng kaniyang kinikita ay naisip niyang hindi siya makakaipon ng malaki sa maiksing panahon kaya naman napagdesisyunan niyang gamitin ang ilang bahagi ng kaniyang ipon para sa maliit niyang negosyo. Naging reseller siya ng iba’t-ibang mga produkto sa social media. Ito ay naging simula upang kumita siya ng malaking halaga nang hindi siya naglalabas ng malaking kapital. Habang siya ay kumikita ito ay ipinangdadagdag niya sa kaniyang kapital pang-negosyo kung kaya naman talagang lumago ang kaniyang negosyo.





error: Content is protected !!