Pinaglaruan ng anak niya ang kaniyang lipstick at talaga namang nagimbal siya sa susunod na nangyari!



Kilala ang mga bata na malikot, masiyahin, mahilig maglaro at walang kapaguran. Ang kanilang simple at mga inosenteng gawi ay talaga namang makapagpapagalit o makapagpapatawa sa iyo. Kung kaya naman kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang karanasan ng ina na ito nang ang kaniyang lipstick ay pinakialaman at ginamit ng kaniyang maliit na anak. Ayon pa sa pagkukwento ng ina, sinaway niya at niligpit ang kinakalat ng kaniyang maliit na anak.


Matapos nito ay binigyan niya ng gatas ang kaniyang anak at sila ay sabay na nakatulog. Nang siya ay magising, laking gulat niya at tila humiwalay ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang sariling katawan. Dahil sa nakita niya sa kanilang medyo madilim na kwarto na ang kaniyang anak ay naliligo sa sarili nitong dugo at tila wala nang buhay. Buti na lamang at agad agad siyang nagbukas ng ilaw sa kwarto at napansin niya ang lipstick niyang durog durog na at halatang pinaglaruan ng kaniyang anak. Ang kaniyang ibinahaging ito sa social media ay umabot na ng 19,000 na shares, at humigit sa 72,000 na mga reaksyon.




Napag-alaman ito ng kompanya na nagmamay-ari sa lipstick na iyon at pinadalhan sila ng bagaheng puno ng mga lipstick at iba pang mga bagay na labis namang ikinatuwa ng pamilya. Ang kwento na ito ay isang matinding paalaala sa maraming mga magulang at tagapag-alaga na mas maging maingat at maging tutok sa ating mga anak, kapatid, at kapamilya dahil hindi rin natin alam kung kailan darating ang sakuna. Mas mainam na ang handa kaysa naman sa magsisi sa huli. Kahit pa gaanong pagod ang puyat ang ating dinaranas sa araw-araw. Huwag din nating kalilimutan na minsan lamang sila maging bata, minsan lamang ang kanilang ginagawang paglalaro, pagiging pasaway, at makulit, ilan ito sa mga bagay na talaga namang kasasabikan mo sa oras na sila ay tumanda na.




error: Content is protected !!