Isang maswerteng Pinoy ang pinuntahan ng Canadian niyang nobya na bumiyahe pa ng 8,000 milya makita lamang siya!



Ang magkasintahang ito ay nagpatunay na hindi hadlang ang distansya para sa dalawang taong nagmamahalan. Isang Canadian na babae at isang Pinoy ang nakapagpanatili ng kanilang relasyon sa kabila ng kanilang distansya sa isa’t-isa. Una silang nagkakilala sa social media at hindi nila inaasahang mahuhulog pala ang loob nila sa isa’t-isa. Ngunit ang higit na nakapagpamangha sa maraming tao ay ang paglalakbay niya ng higit 8,000 milya para lamang sa kaniyang nobyo dito sa Pilipinas.


Nagsimula ang lahat taong 2009 sa isang friend request sa social media. Ang pagkakaibang ito na nauwi sa kanilang pag-iibigan ay talaga namang nakapagpatunay na sa kabila ng distansiya ay mayroon din namang lugar para sa pagmamahalan. Marami mang nagsasabi na mahirap ang kanilang sitwasyon ay talaga namang marami pa rin ang naniniwala na magiging matagumpay ang kanilang relasyon. Buti na lamang at mayroon nang modernong teknolohiya at mga gadget kung kaya kahit papano ay napapawi o nababawasan ang pananabik sa isa’t-isa.




Tunay ngang ang magkasintahang ito ay napanatili ang kanilang wagas na pag-ibig sa isa’t-isa at kamakailan nga ay nagtungo ang nobya na Canadian dito sa Pilipinas. Ang pangyayaring ito ay talaga namang pinakahihintay at pinakasasabikan ng magkasintahan. At sila nga ay nagkita sa General Santos International Airport. Ngunit ilang linggo lamang ang nakalipas ay kinailangan na naman ng nobya na iwanan ang kaniyang minamahal at umuwi na sa kanyang bansa.



Sa kaniyang sunod na pagbabalik sa Pilipinas ay nagpakasal na ang dalawang magkasintahan. Sino nga ba ang makapagsasabi na ang dalawang taong nagmamahalan ay makakapag tiis at makakapagpagal ng maraming taon para sa taong kanilang minamahal.