Ang babaeng ito ay nakapangasawa ng lalaki na kakikilala lamang sa social media, siya pala ay isang napakayamang negosyante!



Isang babae ang ikinasal sa isang lalaki na kakakilala pa lamang niya sa social media at nakarelasyon ng limang buwan. Ngunit laking gulat na lamang niya nang ang kanya pa lang pinakasalan ay isang napakayamang lalaki!


Isang Vietnamese na babae na nagngangalang Nguyen Van Anh ang labis na hinahangaan dahil sa kanyang angking kagandahan. Sa katunayan ay napakarami niyang tagahanga at manliligaw kahit noong siya ay nag-aaral pa lamang. Ngunit sa kabila nito ay wala pa rin siyang napusuan at nanatiling single hanggang makakilala siya ng taong magpapatibok ng kanyang puso.




Siya ay naging isang matagumpay na negosyante matapos niyang maka-graduate sa Hanoi University of Science and Technology noong 2015. Bagamat matagumpay na ay tila ba mayroon pa ring kulang sa kaniyang pagkatao na hindi niya makita.


Mayo ng 216 nang makita niya ang larawan ng lalaki na ito na agad niyang pinadalhan ng mensahe upang matulungan siya nito sa kaniyang idolo. Siya ay si Dang Tuan sa Russia. Hindi inaasahan ng dalawa na sila ay magkakaroon ng whirlwind romance.



Nobyembre naman ng ang dalawa ay naging opisyal na na magkasintahan. Hilig nila ang pakikipag-usap sa isa’t-isa sa telepono ng mahabang oras. Matapos naman ang limang buwan na relasyon ay napagdesisyunan ng dalawa na magpakasal na.


Bagamat hindi sang-ayon ang mga magulang ng babae sa kanilang kasalan dahil sa pag-aalala na hindi pa nila lubusang kilala ang isa’t-isa. Ngunit wala ring nakapigil sa pag-iisang dibdib nila dahil nakumbinsi rin ni Dang ang mga magulang ni Nguyen at ipinakita kung gaano niya kamahal ang kanilang anak. Nagpatuloy na ang dalawa sa pagpaplano ng kanilang kasal, simple lang ang kaniyang nais na kasal ngunit laking gulat na lamang niya ng siya ay masorpresa ng kaniyang magiging mister ng isang enggrandeng kasalan. Napag-alaman din niya na si Dang ay isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng isang international brand.



Ikinasal sila sa isang 5-star hotel sa Hanoi, Vietnam noong Abril 2017 at ngayon ay naninirahan na sa Russia. Inamin din ni Dang na itago ang kaniyang tunay na pagkatao upang makilala ang babaeng tunay na magmamahal at tatanggap sa kanya mayaman man siya o hindi.