Isang kakaibang aso ang nagva-viral! Parang isang Egyptian na estatuwa ang itsura pero buhay na aso ito!



Aakalain mo talaga na parang rebulto ang aso na ito. Sa kulay at itsura, maiisip mong isa itong rebulto ng mga taga-Egypt. Pero isa talaga itong buhay na buhay na alagang aso na may taglay na maganda at kakaibang itsura.


Ang asong ito ay pagmamay-ari ng isang 22 na taong gulang na babae. Siya ay si Sandra Pineda na isa ring medical student. Ang pangalan ng aso ay si Piper na isang Xoloitzcuintli o Xolo. Isa itong uri ng aso na Mexican Hairless Dog. Naninirahan ang may ari ng aso na ito sa Quezon City.




Hindi lubos akalain ni Sandra na magiging sikat si Piper sa internet. Dahil nga sa pinamalas na kakaibang kagandahan ng aso na parang isang rebulto. Akala niya ay nagbibiro lang ang mga nagiging fans ng aso pero totoo na pala.


Ayon kay Sandra:
“They just couldn’t believe that she was a real dog. I guess I’m so used to her I don’t see it as much as other people, but my friends and family told me they can definitely see it. It’s actually really flattering to think that my beautiful dog could be mistaken for a work of art.”



Marami ang nagsasabi na kahalintulad o kamukha ni Piper ang isang Egyptian God na si “Anubis”. Si Anubis ag isang diyos sa Egypt na taga-protekta ng pinto ng Underworld. Mayroon din nagsabi na kamukha din ito ng aso na si “Dante” sa pelikula na “Coco”. Ang mga ganitong klase ng aso ay karaniwang makikita sa bansang Mexico. Kaya bihira lang talaga makakita ng ganitong klaseng aso sa ating bansa.


Kahit ganito ang itsura ng aso, nangangailangan ito ng maayos na paglilinis. Ibinhagi ni Sandra na ginagamitan niya ng Virgin Coconut oil ang balat ng aso. Nilalagyan niya rin ng sunscreen ang aso kapag lalabas naman ng bahay. Tunay na maipagmamalaki ni Sandra ang kanyang aso, dahil sa pagka-bukod tangi ng itsura, siguradong mabibilib ka dito. Ipinamalas din ng amo ang pagiging maalaga niya sa kanyang alagang aso.





error: Content is protected !!