Nakabawas ng 57.2 lbs ang pagkain ng babaeng ito ng skyflakes bilang kaniyang dyeta!



Hindi lingid sa ating kaalaman lalo na sa maraming kababaihan ang hirap ng pagbabawas ng timbang! Maraming mga tao ang nagnanais magbawas ng timbang sa pamamagitan ng ehersisyo at tamang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain ngunit makalipas lamang ng ilang araw ay sinusukuan na rin nila ito.


Si EJ Curamen ay nagbahagi ng kaniyang kwento sa social media, matapos niyang makapagbawas ng 57.2 pounds! Hindi dahil sa strikto niyang diet at ehersisyo kundi dahil sa pagkain niya ng Skyflakes!




Naibahagi niya sa kaniyang social media account ang kaniyang naging paglalakbay sa kaniyang pagpapayat. Pag-amin pa niya, lagi siyang pinapaalalahanan noon ng kaniyang ina na magtipid na sa lahat ng bagay huwag lamang sa pagkain. Kung kaya naman siya ay lumaki ng nakakain niya lahat ang kaniyang gusto kahit gaano pa ito kadami. Kaya siya ay naging overweight.



Ang kaniyang timbang ay naglalaro lamang sa 78-80 kilo. Bagamat nasanay na siya sa kaniyang timbang ay napagod rin siya dito at naisipan niyang magpapayat. Kung kaya naman siya ay nag-isip ng dyeta na babagay sa kanya. Ngunit wala na siyang mas iba pang naisip na magiging hiyang sa kaniya kundi ang pagkain niya ng Skyflakes.


Bagamat maraming naging temptasyon sa kaniyang pagpupursiging magpapayat ay hindi siya natinag ng mga ito. Bagkus siya ay namangha na sa loob lamang ng ilang buwan nang pagkain niya ng Skyflakes ay nakapagbawas na siya ng 57.2 lbs o 25.95 kilo!



Talaga namang marami ang humanga at namangha sa kaniyang naging pagbabago. Bukod sa sipag at tiyaga wala nang mas hihigit pa sa pusong nagnanais ng mas makabubuti para sa kaniyang sarili. Tiyak na ito ay magiging hamon sa marami pang mga tao lalo na ng mga babae na nagnanais na makapagbawas ng timbang.




error: Content is protected !!