Parang tao na kung umupo ang aso na ito na ikina-bilib ng maraming Netizens

Ang alagang aso nga naman ay maituturing na matalik na kaibigan ng tao. Marami sa atin ang nahihiligan ang pagaalaga ng aso. Ang iba din ay tinuturing ng miyembro ng pamilya ang mga alaga at talagang ginagastusan na parang sariling anak.


Pero mas marami din ang mga nag-aalaga ng aso na ginagawang bantay ng bahay. Gayon pa man, kahit anong uri man ng aso ang inaalagaan, ang mahalaga ay pinahahalagahan natin ang buhay ng mga hayop katulad nito. Kung tinatawag na “Man’s Bestfriend” ang aso, mabibilib kayo sa kwentong ito. Isang namataan na aso sa isang pampasaherong jeep ang lumilikha ng ingay ngayon sa social media.

May mga litratong kumakalat patungkol sa isang aso na nakita sa isang jeep. Ang mga litrato ay nang-galing sa isang Facebook Community na Doggie Fun Fair. Ang mga litratong ito ay noong nakaraang taon pa napakita at na-publish na sa Philippine Star. Pero ito ay naging viral ngayon sa social media at umani ng mga magagandang komento. Sino ba naman kasi ang hindi mabibilib sa makikita, isang aso na parang isang tao na kung umupo sa jeep. Bibihira lang ang pagkakataon na makaka-kita ka ng ganitong pangyayari.

Ang mga litrato ay nakuhanan ni Derick Anne Mariano. Ayon sa kanya kasama ng aso ang kanyang amo at nakasabay niya sa may kahabaan ng Lardizabal Street sa Maynila. Ayon pa kay Derick, binayaran din ng upuan ang alagang aso. Mapapansin na sanay na sanay ang aso sa pagsakay ng jeep. Ang nakaka-bilib pa ay ang mga taong nakasakay sa jeep. Imbis na magreklamo ay hinayaan nilang makasama ang aso sa loob. Maaaring natuwa sila dahil hindi naman malikot ang aso at napaka-bait nito.


Umani ng kumento ang naturang post. Sinasabi nila na mabuti na rin at pinayagan ng mga ibang pasahero na sumakay ang aso, kasi kung ibang tao ito malamang ay matakot sila at maiisip na baka mangagat o kaya naman ay mag-ingay sa loob ng jeep. Pero tunay na talagang naturuan ng amo ang kanyang aso. Marunong ng umupo s jeep, mabait pa at hindi malikot sa jeep.



error: Content is protected !!