Alamin kung paano malaman ang mga pekeng pera! Isang Netizen ang nagbahagi ng mga itsura ng mga pekeng pera



Dahil sa pagbabago ng mga itsura ng pera o banknotes na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, may mga tao paring gumagawa ng mga pekeng pera. Malaking kaparusahan ang naghihintay sa mga taong mahuhuling gumagawa nito. Mayroon ding kaparusahan para sa mga taong magbibigay o magbabayad ng mga pekeng pera.

Kaya naman mas mabuti kung magiging maalam tayo kung ang perang matatanggap ay isang huwad. Isang mabuting Netizen ang nagbahagi ng kanyang paalala para sa taong bayan patungkol sa mga pekeng pera na maaaring makuha. Siya si Mikhael Britania Suzaku na nagbahagi ng mga iba-ibang paper bills na may halagang 1000, 500, at 50 na mga pekeng pera.



Aakalain mo talagang parang isang tunay na pera ito kung ikaw mismo ang makaka-kita. Dahil may mga katangian din itong pekeng pera kahalintulad sa mga orihinal na pera. Kaso kung titignan mo iyong mga watermarks, mga makikita mong mukha ay hindi malinaw, tila ba parang guhit bara-bara.

Para makasiguro na tunay na pera ang matatanggap, ito ang mga dapat gawin:

1. Tignan ang kulay at ang Serial Number.




Kung ikukumpara ang tunay sa pekeng pera, ang mga peke ay may magaan na kulay kumpara sa orihinal. Tignan din ang duplicate na serial numbers.


2. Pakiramdaman at salatin ang pera.


Ang tunay na pera ay gawa sa cotton at abaca fibers. Kaya kung sasalatin ang pera, kung magaspang, ito ay tunay, kung ito ay madulas at walang gaspang, ito ay peke.

3. Silipin ang watermark.


Itapat ang pera sa may ilaw at ito ay silipin. Kung kahalintulad ng litrato sa may kanan ang watermark, ito ay tunay.

4. Suriin maige ang security thread.


Mas mabuti na ang maging maingat tayo sa mga ganito. Lalong lalo na rin sa mga malalaking halaga ng pera katulad ng 1000 at 500. Mas masakit malaman na ang perang pinagpaguran ay mababaliwala. Kaya naman maging matiyaga na suriin ang perang matatanggap.




error: Content is protected !!