Isang Guwapong Bata ang nakitang nagtitinda ng karne sa palengke! Kilalanin natin siya!



Sa pagiging moderno ng ating mundo ngayon, marami na ang biglaang sumisikat dahil sa mga social media posts. Mabilis na kumakalat ang mga larawan lalong lalo na kung talaga namang nakaka-mangha ang makikita. At ang mga taong sumisikat ay tunay na ginagantimpalaan ng katanyagan at mga magagandang mga komento. Ang iba pa nga dito ay nagiging dahilan upang makapasok sila sa mundo ng showbiz.


Isang Netizen ang nagbahagi ng kanyang pagka-tuwa sa isang bata sa palengke. Siya si Jasmin Alberto-Ferrer. Ang batang nasa litrato ay tumutulong sa kanyang magulang sa pamamagitan ng pagtitinda ng karne sa palengke.




Ayon sa post ni Jasmin, siya ay namamalengke sa Napico, Pasig City. Sa paghahanap niya ng karne pang sigang, napansin niya itong bata na may angking kagwapuhan. Nagbigay din siya ng panawagan sa mga bagets para makita nila ang guwapong batang ito sa palengke.


Ayon kay Jasmin Alberto-Ferrer:
“Mga bagets sipagin na kayo sa pamamalengke kung ganito naman kagwapo magbebenta sa inyo.”





Maraming nagbigay ng magagandang komento sa naturang na post. Kung iisipin, dapat ay nakikipag-laro siya sa mga ibang kabataan sa kanyang edad. Pero mas pinili niyang tulungan ang kanyang mga magulang. May mga kabataan din na nandidiri sa ganitong klase ng paninda. Hindi kasi pwede sa mga maaarte ang ganitong trabaho, bukod sa amoy na kumakapit sa kamay, nahahawakan pa ang mga dugo. Kung pagmamasdan ang bata ay masaya siyang tumutulong na walang halong selan sa klase ng paggawa.




Malamang ay malayo ang mararating ng batang ito sa paglaki nito. Dahil alam na niya ang hirap ng buhay. Karagdan na rin ang kanyang itsura. Ang nasabing post ay tunay naging halimbawa sa maraming kabataan, ang iba pa nga ay gustong makita ang batang ito at bumili na rin ng karne. Ang iba din gustong malaman kung may Facebook account ba ang bata. Nakakatuwang isipin na may mga kabataan na sa murang edad ay namumulat at nasasanay na sa totoong buhay. Saludo na rin para sa mga magulang sa pagpapalaki sa batang ito. Maaaring, sa paglaki ng guwapong batang ito, magiging maswerte ang kanyang pamilya. Biruin mo, Guwapo na! Masipag pa!





error: Content is protected !!