Isang OFW sa Canada ang nanalo ng 39.5 milyong dolyar sa Canada!



Isang Pilipina na nagtatrabaho sa Canada ang nanalo ng 39.5 milyong dolyar na lotto jackpot na ginanap noong ika-28 ng Disyembre 2018!


May tatlong anak na si Michelle De Roma at siya ay namimili noon sa Tsawwassen Mills outlet mall sa Tsawwassen First National land sa Delta, British Columbia. Halos lingguhan na ang kaniyang pagtaya sa lotto. Disyembre 26 naman ng siya ay nakabili ng lotto ticket na “randomly generated” mula sa quick pick ang ido-draw ng Disyembre 28. Ngunit hindi niya inaasahang ang mga numerong ito pala ang magbabago sa kaniyang buhay at sa buhay ng kaniyang pamilya.



Bagamat agad na niyang nalaman na siya ang maswerteng nanalo ng jackpot ay hindi niya ito agad na kinuha bagkus ay sinabi niya ito sa kaniyang asawa at tinabi nila ang ticket sa isang envelope upang mas mapag-ingatan. Isang linggo matapos nito ay saka lamang nila kinuha ang premyo. Kagaya ng marami, matagal nang pangarap ni De Roma na manalo sa lotto. Milagro na lang nga ang kaniyang pinapanalangin para kahit papano ay magkaroon pa rin siya ng pag-asa sa tinatagal-tagal niyang tumataya sa lotto.


Ayon sa kaniya, balak niyang ilaan ang pera para da kinabukasan ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang mga anak. Gayundin ay nais niyang makapagbiyahe ang mga ito at madala niya sa Rome upang makapamasyal sa Colosseum at sa St. Peter’s Basilica. Sa kabila ng malaking halaga na 39.5 milyong dolyar o katumbas ng 2 bilyong piso ay patuloy pa rin daw siyang tataya sa lotto sa mga susunod pang taon. Tiyak na marami pang mga kapwa natin Pilipino ang nabigyan ng pag-asa sa kwentong ito ng ating kababayang OFW sa Canada. Makalipas ang ilang taon na pagpapagal at paghihirap ay nagkaroon sila ng pinakamagandang biyaya na talaga namang babago sa kanilang buhay.





error: Content is protected !!