Marami ang humanga sa magandang bata na ito na mas pinili nang magtrabaho agad para makatulong sa pamilya!



Maraming mga netizens ang humanga sa gulay girl na ito hindi lamang sa maganda niyang mukha kundi dahil na rin sa kaniyang kasipagan sa pagtitinda ng kaniyang mga gulay. Dahil sa ganda ng kaniyang mga mata at kinis ng kaniyang kutis, maraming mga netizen ang nagkukumpara sa kaniya sa young actress na si Liza Soberano.


Mahirap man ang kaniyang trabaho ay hindi ito alintana ng dalaga. Hindi rin naman madalas na makita ang mga katulad niyang masipag na ay maganda pang bata sa araw-araw. Ayon pa sa ilang mga balita ay patuloy pa rin siyang hinahanap sa Gordon Hts, Olongapo kung saan siya unang nakuhanan ang larawan niya na nag-viral.




Nakilala nila ang dalaga bilang si Marian, grade 4 na mag-13 taong gulang na ngayong buwan. Ang kanilang tahanan ay naninirahan sa bulubunduking lugar ng Gordon hts kung saan kailangan pa nilang maglakad ng 1 oras para lamang makapunta sa nayon.


Dahil siya ang panganay sa anim na magkakapatid, mas minabuti na ni Marian na tumigil sa pag-aaral at tumulong na lamang sa kaniyang mga magulang na magbanat ng buto. Sa murang edad pa lamang ay alam na niya ang ibig sabihin ng sakripisyo. Simula alas-sais ng umaga ay naglalako na siya ng kaniyang mga paninda. Bandang 12 ng tanghali ay kadalasang nauubos na ang kaniyang mga paninda.



Maraming mga netizen ang humihingi ng tulong sa maraming may awtoridad na matulungan si Marian at ang kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!