Sa hiwalayan rin mapupunta ang mga mag-asawang mahal ang gastos sa kasal! Ayon sa pag-aaral.



Kung pagpaplano lamang ng pinapangarap na kasal ang pag-uusap tiyak na mas nanaisin ng bawat ikakasal ang mas magarbo at mas enggrandeng kasalan na talaga namang mapapagastos ka sa laki ng halaga. Isang beses lamang ikakasal ang mag-asawa kung kaya naman pangarap ng bawat isa na maging espesyal at hindi malilimutan ang araw na ito.


Siyempre, hindi rin naman mawawala ang pagnanais ng bawat isa na maimbitahan ang lahat ng naging parte ng kanilang pagmamahalan at ang bawat pamilya ng isa’t-isa. Kung karamihan ng mga ikakasal, o maging ilang mga bridal magazines ang mayroong kaisipan na ang bawat kasal ay dapat maging parang “fairytale” taliwas naman ito sa sinasabi ng ilang eksperto dahil ayon sa ilang mananaliksik, mas magiging benepisyal ito para sa mag-asawa kung ang kanilang kasal ay hindi ganun kagarbo o ka-enggrande.




Ayon sa Economics professor na si Andrew Francis-Tan at Hugo Mialon na nagsurvey ng 3,000 mag-asawa, nakadiskubre sila ng ilang katangian na nakapagpapataas ng diborsyo sa mag-asawa. Dagdag pa nila ang presyo o halaga ng engagement ring o maging ng mismong seremonha ay may epekto sa haba ng pagsasama ng mag-asawa. Kung ang engagement ring ay nasa halagang $2,000 o £1,500, nadiskubre ng mga eksperto na mas mahal na singsing ay mas malaki ang posibilidad ng paghihiwalay o diborsiyo.


Tulad din naman ng presyo sa seremonya ng kasal, sinasabing kung ang halaga ng kasal ay mas mababa sa $1,000 o £753 mas mababa ang tyansa ng paghihiwalay ng mag-asawa, samantalang kung nasa $20,000 hanggang £15,000 ang kasalan ay mas posibleng maghiwalay kaagad ang mag-asawa.


Maging ang hitsura ng mapapangasawa ay napakalaking bagay rin upang mas mapatagal pa ang pagsasama ng magkabiyak. Ngunit hindi rin naman lahat ng mahal ay magiging dahilan ng posibleng maagag paghihiwalay ng mag-asawa, bagkus ang pagkakaroon ng honeymoon ng mag-asawa at tiyak na makakatulong sa mas mataga nilang pagsasama.


Ayon pa sa pag-aaral, imbes na maglaan ng malaking halaga sa pagpapakasal mismo, bakit hindi subukang paglaanan ng salapi ang pagbabakasyon matapos ng kasal?



Source:Independent




error: Content is protected !!