Sunshine Cruz at kaniyang kapatid pinatunayan na ang fitness ay nasa dugo ng kanilang pamilya!



Si Sunshine Cruz ay isang Pilipinang aktres na kadalasang lumalabas sa ilang mga programa ng ABS-CBN at GMA Network ilan na dito ang Be Careful With My Heart at Bubble Gang. Kamakailan lamang ay ikinagalak niya ang pagkakaapruba ng kanilang annulment ng dating asawa na si Cesar Montano.


Mayroon silang tatlong anak na babae na palaging laman ng kaniyang mga social media accounts. Kalimitan din namang sinasabi ng marami na siya ay mas mukhang kapatid ng kaniyang mga anak dahil sa bata niyang hitsura. Sang-ayon din naman ang kaniyang mga anak sa sinasabi ng marami na ang kanilang ina na si Sunshine Cruz ay mas bata tingnan kaysa sa kaniyang edad.




Sa katunayan ay isa siya sa mayroong pinakamagandang mukha sa industriya ng show business kahit pa siya ay nasa 41 taong gulang na. Ayon din sa ilang mga ulat, mas naging malusog at malakas siya nang siya ay nakapagbawas ng 20 lbs ng kasagsagan ng kanilang programa na Wildflower taong 2017.


Ibinahagi din ng aktres na mas maging aktibo siya sa kaniyang pang-araw araw na gawain sa pamamagitan ng pag-eehersisyo ng regular at pagkain ng tama at ng mga masusustansiyang pagkain. Kung mayroon man siyang nais kaining pagkain na hindi kasama sa kaniyang dyeta sa isang linggo, nakakain naman niya ito ng Sabado o kaya naman ay Linggo. Sadyang disiplina lang talaga ang kailangan upang makamit ang ninanais na timbang.



Katulad din niya ang kaniyang mga kapatid na si Cel at Tess na malaki ang pagpapahalaga sa kanilang kalusugan at pangangatawan. Sa edad na 49 si Cel ay nakapagsusuot pa rin ng mga two-piece swim suit na talaga namang ikamamangha at kaiinggitan ng mga makakakita!


Maraming mga netizens ang namangha at nakakuha ng inspirasyon sa magkakapatid na Cruz. Lalo na ang mga ina na kahit pa labis na abala sa pag-aasikaso at pag-intindi sa kanilang pamilya ay dapat pa rin namang paglaanan ng panahon at oras ang sarili nilang kalusugan at pangangatawan upang mas maalagaan at mas makasama nila ng matagal ng panahon ang kanilang mga mahal sa buhay.