Kilalanin natin ang dalawang nag-iibigan na nagnanais na makaipon ng Isang Milyong Halaga ng Barya!



Halos lahat tayo ay nangarap ng maginhawang buhay. At dahil dito, naiisip nating magipon para sa pangarap na ito. Pero hindi ganoon kadali ang magipon ng pera lalong lalo na sa araw-araw na gastusin at sa mga sandamakmak na bayarin. Kaya naman ang ilan sa mga nangangarap ay humahanap ng mga paraan upang matupad ang kanilang mga ninanais. Mahirap man gawin pero ito ang isa sa mga paraan upang maging isang matagumpay.


Kaya naman ang iba ay naguumpisa sa mga simpleng paraan. Katulad na lamang ng Peso Saving Challenge na sumikat at marami na ring nakagawa. Pero ang isa sa mga kakaibang paraan ng pagiipon ay ang magkasintahan na ito na nagiging usapan ngayon sa social media. Ito ay naging post ni Yona Abella sa Facebook. Ang dalawang nagmamahalan na sina Yona Abella at Kit Cunanan ay napagdesiyonan na mag-ipon ng mga barya at ilagay ito sa mga lalagyan. Ang kanilang nais ay mapaabot ito ng Isang Milyon. Teka, Barya talaga? Sa kanilang post, umani ng iba’t-ibang komento. Ang iba ay hindi naniniwala na magagawa nila ito. Pero hindi sila nagpatinag at desidido sila sa kanilang desisyon.




“WALANG ISANG MILLION KUNG WALANG BARYA.”

“Tandaan natin na kahit maliit na halaga ay napaka laki na, dahil walang taong makakabuo ng isang million kung wala ang barya. Ang challenge namin ay kada pag uwe sa bahay ay maghuhulog sa alakansya lahat ng barya na meron kami ( as in lahat ng amount ng barya).”, “Well di man ito gaano kalaki atleast we save para mabili namin ang gusto namin na gamit. Lahat tayo pwedeng gawin ito, try niyo na.”, “Hanap din kayo ng Ipon Buddy niyo . Para di nadin tayo hingi ng hingi sa parents natin kapag may mga need tayong bilhin. Mag ipon habang bata pa.”



May ilan ding nagsabi na maaari silang makulong dahil ito ay ipinagbabawal at mayroong batas dito. Lalong lalo na sa pag-iimbak ng mga barya. Pero kahit ganito ang naisipan nila, ang mahalaga naman ay ang kagustuhang makaipon ng pera. Nawa ay kung ano man ang mga magiging desisyon nila dapat ay maging maingat sila at maging matalino sa bawat gagawing desisyon.




error: Content is protected !!