Categories: Viral

Kilalanin natin ang lalaking gumagawa ng mga Action Figures gamit ang mga sirang tsinelas at mga goma

Sa hirap ng buhay ngayon, sa mahal ng mga bilihin, sa hirap maghanap ng trabaho, marami sa atin ang humahanap ng mga paraan kumita ng pera. Kaya minsan, ang ilan sa atin kahit na may trabaho ay humanap ng iba pang pwedeng pagka-kitaan. Pero hindi hadlang ang kahirapan upang ipamalas ng isang Pinoy ang kanyang talento. Likas sa mga Pilipino ang pagiging magaling sa larangan ng sining. Marami sa mga Pinoy ang may mga angking talento sa paglikha.


Katulad na lamang ni Elmer Padilla na isang Construction Worker sa Catbalogan, Samar na ngayon ay nasa Imus, Cavite na. Napadpad siya ng Imus, Cavite sa layunin niyang makahanap ng magandang kapalaran. Pero hindi ganoon kadali ang makahanap ng magandang trabaho. Kahit na hindi pinalad si Elmer makahanap ng trabaho, ginamit niya ang kanyang talento upang kumita ng pera. Isang magaling na taga-gawa ng mga Action Figures si Elmer. Dahil hindi niya kayang bumili ng mga mamahaling materyales sa pag-gawa nito, gumamit siya ng mga panapon na mga kagamitan katulad na lamang ng mga sirang tsinelas. Nakaka-bilib ang mga nagawa niyang mga Action Figures dahil sobrang kopyang-kopya nito ang itsura.


Katulad na lamang ng gawa niyang Deadpool, ang Action figure ay talaga namang kahawig sa tunay na larawan ng pinag-gayahan. Mayroon ding Action Figure ng Bumble Bee na siguradong magugustuhan ng mga kabataan. Naging kilala pa sa social media si Elmer sa tulong ni Adrian Soriano Bernabe. Dahil sa post niya sa GUHIT Pinas, isang grupo sa Facebook para sa mga may mga angking talento.


Ayon sa post, nakita ni Adrian na may pinagkaka-guluhan sa isang sulok ng maraming tao. Naganap ito noong siya ay napadaan siya sa isang palengke sa Imus. Kaya naman lumapit siya upang maki-usyoso.

At nakita na nga niya si Elmer na gumagawa ng mga Action Figures. Hindi rin makapaniwala si Adrian na ang gamit lamang ni Elmer sa pagbuo nito ay mga sira-sirang mga tsinelas. Ang talento na pinalamas ni Elmer Padilla ay tunay na kahanga-hanga. Sana ay maraming tumangkilik ng iyong gawa at sana ay may taong tumulong sa iyo upang magkaroon ka ng magandang pamumuhay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago