Kung dati siya ay mananayaw sa Wowowee, ngayon siya ay nagmamay-ari na ng isang fitness studio!



Napaisip ka na ba kung nasaan na kaya si Luningning ngayon matapos ang programang Wowowee noong 2010? Si Luningning ay isa sa mga sikat na mananayaw ng patok na programa sa tanghali na “Wowowee” noon. Dahil sa angking ganda at talento ay talaga namang hinangaan si Luningning ng maraming mga Pilipino. Namangha rin ang marami sa angkin niyang galing sa pagsasayaw. Ngunit nasaan na nga ba siya ngayon?


Bukod sa ilang mga tv guestings, siya ay isa na palang businesswoman ngayon! Siya ang may-ari ng Stardanz Fitness Studio na mayroong iba’t-ibang mga fitness exercises gaya ng Pilates, Belly Dance, Kali Pole, Aerial Silk, Hoops, Dance Fitness, Stilletos and Jazz Dance. Ang tunay na pangalan ni Luningning ay Lea Carla Santos mula Cabuyao, Laguna. Siya ay 33 taong gulang na at minsan na rin siyang naitampok sa ilang mga men’s magazine gaya ng FHM Philippines, at Maxim Magazine noong 2008 habang siya ay sumasayaw pa sa Wowowee. Ngunit hanggang ngayon ay single pa rin siya at isang mapagmahal na tita sa kaniyang mga pamangkin.




Ang Wowowee ay umere noong Pebrero 5, 2005 sa ABS-CBN Channel 2. Si Willie Revillame naman ang host ng programang ito. Naging malaking bahagi ito ng buhay ng bawat Pilipino dahil sa saya at ligayang kanilang nadarama sa tuwing manunuod nito. Marami din naman ang nagkaroon ng pag-asa sa programang ito dahil sa hirap ng buhay ay marami silang nabibiyayaan at natutulungang Pilipino.


Marami din silang natutulungan na mga pamilyang mayroong nawawalang kamag-anak o kaya naman ay mga anak o magulang na nawalay sa isa’t-isa. Marami ding buhay ang nabago dahil sa programang ito. Talaga namang maraming natulungang pamilya ang programang ito na minamahal ng maraming Pilipino.




error: Content is protected !!