Maaga man siyang nagkaanak ay pinatunayan niyang kaya niyang makapagtapos ng hayskul!



Sa edad na 17 taong gulang ay mayroon na siyang dalawang anak. Siya ay si Joanna Marie Balase Reyes na kadalasang nagiging usap-usapan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kaklase dahil sa maagang pag-aasawa at maagang pagkakaroon ng dalawang anak.

Ayon sa ilang ulat ay nabuntis siya sa edad na 13 at nanganak sa una niyang supling sa edad na katorse. Ang ikalawa naman niyang anak ay ipinagbuntis niya nang 16 na taong gulang pa lamang siya at ipinanganak sa edad na labing pito.


Ang pagiging ina sa dalawa niyang anak ay talaga namang napakabigat na responsibilidad at hamon ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay magpursige na makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Hindi rin siya nagpatinag sa mga masasakit na salitang sinasabi ng maraming tao patungkol sa kaniya. Sa kabila ng kaniyang karanasan ay nagnanais pa rin siyang makapagtapos sa kaniyang pag-aaral.




Bagamat mayroon siyang mga pagkakamali at maling mga naging desisyon sa buhay ay masaya pa rin siya nagkaroon siya ng dalawang mga anak na mahal na mahal niya. Kung bibigyan man siya ng isang pagkakataon upang mabalikan ang kaniyang pagkakamali noon at maitama ito ngayon. Tiyak na pipilian niya ang tama ngunit sa ngayon ay mas masaya na siya na kapiling ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang dalawang supling na talaga naman mahal na mahal niya. Marami mang mga pangalan ang binabansag sa kaniya at siya ay hinuhusgahan ng marami dahil sa pagiging ina sa murang edad. Patuloy niyang pinatunayan na siya ay may pangarap sa buhay at naging kalakasan niya ang kaniyang mga anak para sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.


Siya ay naging inspirasyon sa napakaraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataang naging ina at ama sa murang edad. Bagamat malayo pa ang kaniyang lalakbayin upang makapagtapos ng kolehiyo ay hindi na rin biro na makapagtapos siya ng hayskul sa kabila ng pagiging ina sa kaniyang dalawang anak.




error: Content is protected !!