Malalaking kama ng bus papuntang Bikol, nagpamangha sa maraming netizen!



Nais mo bang bumyahe pa-Bicol upang masaksihan ang Bulkang Mayon o para lamang makapasyal kasama ang buong mag-anak sa magandang lugar na ito? Isa sa pinakamadaling paraan ng pagpunta doon ay sa pagsakay ng eroplano, ngunit kung ikaw naman ay nagtitipid maaari din namang sumakay sa bus.


Nakasanayan na natin ang mga tradisyunal na bus na kapag tumagal ang biyahe at talaga namang sasakitan ka ng katawan dahil pag-upo lamang at kaunting pagsandal ang kaya mong magawa. Ngunit kamakailan lamang ay nagulat ang maraming netizen dahil sa bus na ito na mayroong malalaking kama na maaaring pagpahingahan ng mga pasaherong tutungo sa Bikol.



Tiyak na magiging komportable ka at magugulat ka na lang na pag gising mo ay nasa Bikol ka na mula sa Maynila! Ang kaibahan ng “Sleeper Bus” na ito sa karamihan bus ay ang pagkakaroon nito ng malaking espasyo para sa iyong mga gamit at lalo na ang malalaking kama na talaga namang magiging dahilan ng komportable mong pagbiyahe. Ang oras ng biyahe ang tulad din namang ng ibang mga bus ngunit tiyak na masisiyahan ka sa biyaheng ito dahil hindi ka na mahihirapan pa at sasakitan ng katawan, binti o hita.


Ang “Sleeper Bus” na ito ay mula sa Bicol Isarog Transport System Inc. Maaari kang sumakay mula EDSA Cubao patungong Naga City at pabalik. Ang kasalukuyang presyo nito kada tao ay P1,350 papunta pa lamang. Mabilis at madali lamang ang pagpapareserba dito, magtungo lamang sa kanilang website na “Bicol Isarog”, upang pumili ng petsa ng pag-alis, ilang mga ticket ang bibilhin, at bus option na nais sakyan. Huwag kalilimutang piliin ang “Sleeper Bus” upang maranasan ang kakaibang biyahe na ito.





error: Content is protected !!