Nagpaliwanag ang isang ina ng kaniyang dahilan ng pagbibigay ng kakaibang mga pangalan sa kaniyang mga anak



Bilang isang magulang, ang isa sa pinakamahirap na desisyon ay ang pag-iisip ng pangalan para sa naisilang na supling o kahit pa ang mga sanggol na nasa sinapupunan lamang ng kanilang ina. Karamihan sa mga magulang ay mas pinipili ang nakasanayang pamamaraan ng pagbibigay ng mga simpleng pangalan sa kanilang mga anak, halimbawa na lamang ay Anne o John. Samantalang ang iba naman ay mas pinipiling pagsamahin o kuhanin ang pangalan ng ina o ama ng sanggol.


Ngunit mayroon din namang mga magulang na mas gusto na maging kakaiba at talaga namang hindi ordinaryo ang pangalan ng kanilang mga anak. Ilan sa mga ito ay ang tatlong lalaki na ito na naging popular dahil sa kakaibang pangalan nila.




Isang netizen ang nagbahagi nito sa social media na nagngangalang Takeshi Suda. Ang nasabing pangalan ng mga batang lalaki ay talaga namang napakahirap bigkasin at animo’y bugtong na hindi mo mabigkas-bigkas. Ang mga batang ito ay sina Dzywrygh Lynzh M. Tamayo, Pzxydynn Yzzr M. Tamayo, and Djykynll Rysym M. Tamayo. Ayon sa kanilang ina, maiksi lamang ang pangalan nilang mag-asawa, Jon at Mercy. Kung kaya naman para maiba ang pangalan ng kanilang mga anak ay ginawa nila itong kakaiba at mahaba. Kumbaga ay para man lamang makabawi ay hinabaan nila ang pangalan ng kanilang mga anak.


Talaga namang pinagkaguluhan sila sa social media. Kung iisipin mo nga naman, paano nila naisulat ang kanilang mga pangalan noong sila ay mga bata pa lamang? Paano kaya binabanggit ng mga barista o waitress ang kanilang mga pangalan kung sila ay kakain sa labas? Talaga namang nakakatuwang malaman na mayroon pa lang mga ganitong uri ng pangalan sa ating bansa. Iba talaga ang mga Pinoy! Malikhain kumbaga.





error: Content is protected !!