70-taong gulang na driver, ipinagmaneho ng magandang babae na ito dahil sa siya ay inaantok nang magmaneho



Naranasan mo na ba yung tamad na tamad kang kumilos at antok na antok kang gawin ang mga bagay na dapat mong gawin? Yung tila kusang pumikit at nagsasara ang iyong mga mata? Sa ganitong pagkakataong ayaw makisama ng iyong mga mata at katawan sa nais ng iyong isipan mas makabubuting mamahinga muna at huwag na pilitin ang sarili lalo na kung ikaw ay nagmamaneho o kaya naman ay nagpapagana ng makina. Ngunit paano na lang kung ikaw ay isang drayber at sa gitna ng iyong pagmamaneho ay nakaramdam ka ng antok? Siyempre, mas pipiliin mong tumigil muna sa pagmamaneho at palipatin ang iyong pasahero sa ibang sasakyan upang hindi na kayo humantong pa anumang aksidente. Ngunit ang kapalit nito ay magagalit at madidismaya sa iyo ang iyong pasahero.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang pasaherong babae na nakaranas nito ngunit imbes na magalit ay siya na lamang ang pumalit na magmaneho sa kawawang drayber. Siya ay nakilala bilang si Christina Tan na nagbahagi ng kakaibang karanasan. Habang pauwi ay nakapagkwentuhan ang drayber at ang babae, napag-alaman niyang ang 70-taong gulang na drayber ay nagmamaneho na panahon pa lamang ng mga Marcos. Sa edad niya na 70 taong gulang, dapat sana ay retirado na siya at hindi na nagtatrabaho pa ngunit mayroon siyang anak na sinusuportahan.




Makalipas ang ilang sandali ay nagsabi na ang matandang drayber na siya ay inaantok na kung kaya naman mas minabuti na niyang ilipat ng sasakyan ang kaniyang pasahero. Dahil sa pangamba na baka siya ay mapamahak kung wala siya agad makitang sasakyan o kaya naman ay may masamang loob na hindi niya inaasahang makatagpo niya habang naghihintay ng ibang sasakyan. Kung kaya naman mas minabuti na lamang niya na siya na ang magmaneho ng sasakyan. Bagamat nagulat ang drayber sa sinabi ng dalaga ay hindi ito agad na pumayag dahil sa nahihiya rin ito sa kaniyang pasahero. Ngunit kalaunan ay napapayag niya din naman ang matandang drayber. Ayon pa kay Christina, agad na nakatulog ang pobreng matanda nang sila ay magpalit ng pwesto at ito ay humihilik pa nga dahil sa sobrang kapaguran. Kawawang matanda!