Isang batang Pilipino ang inisponsoran ng dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush



Si George Walker Bush ay kilala ng maraming mga Pilipinobilang dating pangulo ng Amerika, isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Lingid sa ating kaalaman na siya pala ay dating tenyente sa kaniyang pagseserbisyo bilang isang militar, kongresista, ambasador, ika-46 na gobernador ng Texas at ika-11 Direktor ng Central Intelligence. Siya ang ika-43 pangulo ng Estados Unidos mula 2001 hanggang 2009.




Sa kasamaang palad noong nakaraang ika-30 ng Nobyembre 2018 ay namatay ito sa edad na 94. Iniwan niya ang kaniyang nagdadalamhating pamilya at mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang sinasabing pag-iisponsor niya sa isang batang Pinoy na matagal niyang inilihim sa publiko at maging sa mismong bata.



Ayon pa sa ilang ulat at nagpapalitan pa ng sulat ang dating presidente at ang batang Pilipino. Sa batang ito ay nagngangalan na Timothy. Ang Compassion International ay isang non-profit organization na nagpabatid sa publiko patungkol sa lihim na pag-iisponsor ng dating pangulo. Ang organisasyong ito ay tumutulong sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa isang komunidad sa tulong na rin ng simbahan at ng namayapang pangulo na nagbigay ng tulong kay Timothy.





Nagsimula ito ng may dinaluhang Christmas concert ang dating pangulo noong 2001 sa Washington. Si ginoong Wess Stafford, dating presidente ng organisasyon ang nagbahagi ng bukas-palad na pagtulong ng dating pangulo sa isa sa mga batang nasa entablado. Habang nagtatanong si ginoong Wess Stafford sa mga manonood ng gustong tumulong sa mga bata ay bigla itong nagtaas ng kamay sa likurang bahagi at humingi ng detalye. Ibinahagi din naman ng isa sa mga top security niya na ayaw niyang magpakilala bilang George W. Bush kung kaya naman siya ay nagtago sa pangalang George Walker.


Ayon kay ginoong Stafford ay mayroong malapit na komunikasyon si Timothy at an dating presidente. Talaga namang nakakamanghang malaman na ang isang makapangyarihang tao ay nagkaroon ng malapit na komunikasyon sa isang batang Pilipino.




error: Content is protected !!