Ito ang pagmamahalang nagpapatunay na wala sa itsura ang pagmamahalan! Masayang namumuhay at mayroon ng anak!



Ang pagmamahal ay isang misteryo. Hindi natin alam kung kailan tayo tatamaan ng pana ni kupido. Hindi rin natin agad malalaman kung sino ba ang karapat-dapat para sa atin. Ang pagmamahal din ay matalinhaga. Minsan, ang mga nagiging kapareha natin ay taliwas sa mga pinapangarap nating katangian at pamantayan. Minsan pa nga sa sobrang pagiging pihikan, tumitibok ang puso para sa mga taong hindi inaasahan.



Pero kahit ano pa man ang dahilan upang maramdaman ang tinatawag na “pag-ibig” ang mahalaga ay masaya ka sa pakiramdam na ito na kasama mo ang iyong kapareha. Sinasabi ng iba na bulag ang pag-ibig. Marami na ring mga nagpatunay nito. Katulad na lamang ng mag-asawa na si Lucy Luvella at Pen Visa. Kung pagmamasdan sila, masasabing alangan ang itsura ng lalaki dahil maitim ito at kulot ang buhok. At ang babae naman ay maputi o mestisa at may magandang mukha.


Marami ang nagulat at hindi makapaniwala sa post na mga litrato nilang dalawa. Umani ng mga iba-ibang komento sa mga litratong nakita. Ang ilan sa mga komento ay patungkol sa pagkadismaya sa itsura ng lalaki na hindi bumagay sa babae. Pero mayroon din namang mga positibong mga komento patungkol sa kasabihang “Love is Blind”. Pero kung susumahin ang mga komento, mas marami ang nagsabi ng negatibo at pagka-inggit.



Karamihan sa mga tao ay tumitingin muna sa panlabas na anyo. Kung sa bagay bago mo kasi matutunan mahalin ang isang tao kinakailangan mo munang makilala siyang mabuti at makasama. Kaya naman nagiging pamantayan ng iba sa una ay ang pagtingin kung maganda o gwapo ang isang tao.


Kung titignan din mabuti ang mga litrato, magkaibang lahi sila. Minsan ay nagiging hindi akma ang itsura o pagkapareha dahil hindi tayo nasanay sa ganitong nakikita. Marami ring nag-aakala na isang pinay si Lucy Luvella. Pero ang akala mong pinay ay isa palang taga-Cambodia. Ang mga Cambodian nanggaling din sa parehas na rehiyon sa Asya. Kaya naman parang pinay din si Lucy Luvella. Kung pagmamasdan din ang mga litrato, isa pa sa mga bagay na nagbibigay agwat sa itsura ng dalawa ay ang pagiging maayos at maporma ni Lucy Luvella. Masasabi rin na artistahin ang itsura ng dalaga at kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kanya. Kaya naman maraming naiinggit na mga kalalakihan sa post na ito. Kung tutuusin ay maswerte talaga si Pen Visa sa kanyang asawa. Pero kahit ano mang mga negatibong mga komentong marinig sila ay masaya na ngayon.


Ang pagmamahalan nila ay wagas at totoo. Isang pagpapatunay din ang pagkakaroon nila ng anak na babae. Isang cute na cute na batang babae na kahawig ng ama. Ito lalo ang magpapatibay ng kanilang samahan bilang mag-asawa.



Kaya sa mga naghahanap ng kanilang ‘Forever’ minsan ay subukan niyong ilagay ang mata sa inyong puso huwag lamang sa ulo. Mas mabuti ng magmahal ng saktuhan kaysa sa maghanap ng guwapo o maganda na isang malaking sakit naman sa ulo.